Viy Cortez-Velasquez, Kakai Bautista, and Ethel Booba Explore The Life of Being a Vendor

Puno ng good vibes ang bagong vlog na hatid ng Team Payaman vlogger na si Viy Cortez-Velasquez kasama ang ilan sa mga kilalang personalidad pagdating sa pagpapatawa.

Alamin kung papasa nga ba sina Viviys at ang kanyang mga kasama sa pagiging ‘palengke vendor’ for a day.

‘PALENGKERA’ Vlog

Hatid ngayon ni Viy Cortez-Velasquez ang YouTube vlog na kung saan taas noo niyang tinanggap ang hamon na maging isang palengke vendor.

Hindi lang si Viy ang kumasa sa nasabing hamon dahil kasama rin n’ya ang mga aktres na sina Kakai Bautista at Ethel Booba.

Nagtungo ang grupo nina Viviys sa Alabang Central Market upang isagawa ang kanilang ibinabalak na content.

Ani Viy, kanya munang ipinag-day off ang mga nagtitinda sa kanilang napiling stall at kanila munang gagawin ang pagbebenta ng mga isda.

Bilang parte ng hamon, kailangang magpataasan ng benta nina Viy, Ethel, at Kakai. Ang sinumang mananalo ay may pagkakataong madoble ang ibibigay na benta sa may-ari ng stall.

Isa-isang tinuruan ng mga may-ari ng stall sina Viy, Ethel, at Kakai kung paano ang tamang gawi sa pagbebenta ng isda.

Maya-maya pa’y nagsimula na sa pagbebenta ang tatlo na may layuning mapataas ang kanilang mga benta.

Habang patuloy ang pagbebenta ng trio palengkera, sumalang naman sa ultimate makeover at well-deserved day off ang mga may-ari ng stall.

Matapos ang kanilang pagpupursigi sa pagbebenta, nakalikom si Kakai ng P12,305, dahilan upang s’ya ang tanghalin na panalo.

Bilang regalo, naisipan ni Viviys na bayaran ang buong halaga ng mga paninda ng kanilang napiling stalls.

Comments of Gratitude

Marami sa mga manonood ang natuwa sa munting regalo ni Viviys para sa mga palengke vendors na nakiisa sa kanyang vlog.

@cherryloumxmb6806: “Grabe si Viy ano? Iba din mag isip. una nakatulong na sya sa mga tindera pangalawa nakatulong din sya sa mga kapwa artista at the same time nakakapag promote pa sila. LT na, Nag enjoy pa sila. hahaha!”

@sharilmalana1512: “Kakamiss nung time ni ethel sa extra challenge. parang extra challenge ang concept!”

@jmeepath: “Ganitong vlogs/vloggers masarap suportahan, pati akong nanonood masaya, sulit na sulit panonood!”

Watch the full vlog below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Cong Clothing Rebrands as ‘Team Pymn’, Drops New Shirt and Cap Collection This January

Team Payaman fans are in for a treat with fresh merch dropping this January from…

1 day ago

Viy Cortez-Velasquez and Cong TV Visit Fellow TP Members’ New Home

Matapos ang paglipat ng ilang Team Payaman members sa kanilang bagong tahanan, buong galak na…

3 days ago

Viy Cortez-Velasquez Levels Up Merienda With Tuna

Pangmalakasang easy-to-follow tuna recipe ang handog ni Viy Cortez-Velasquez sa kanyang recent ‘Kuking Ina’ serye…

3 days ago

Kevin Hermosada Shares a Glimpse of His Daily Grind in Latest Vlog

Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ni Kevin Hermosada ang kanyang life update, kung saan ipinasilip…

3 days ago

Mika Salamanca Recalls PBB Journey in Viy Cortez-Velasquez’s Latest Vlog

Hindi lang tawa at kulitan ang napanood ng mga fans sa pinakabagong YouTube vlog ng…

4 days ago

Viy Cortez-Velasquez Shares Her Kids’ Daily Protection

Afternoons are all about keeping children safe during playtime and outdoor activities. To make this…

5 days ago

This website uses cookies.