TSUPER DAD: Team Payaman’s Junnie Boy Attempts Family Vlogging

Tampok sa unang kabanata ng bagong ‘TSUPER DAD’ serye ng Team Payaman member na si Junnie Boy ang pagiging ama sa kaniyang dalawang anak.

“Kasama ang mga bata sa isang simpleng araw na naging special. Puno ng tawa, kalat, at kwento ng pagiging tatay. Abangan niyo kung paano natapos ang first day namin,” deskripsiyon ni Junnie.

Tsuper Dad

Sa halos isang oras na YouTube vlog ni Marlon Velasquez Jr., a.k.a Junnie Boy, ibinida niya ang mga personalidad ng mga anak na sina Alona Viela at Von Maverick, a.k.a Mavi, uri ng kanyang parenting style, at pati na rin ang mga pangarap niya bilang magulang ng mga ito.  

“Nerbyoso, maalaga, at magagalitin,” ganito inilarawan ng 31 years old na vlogger ang sarili bilang isang ama. 

Para kay Junnie, ang panganay na si Mavi ay isang matalinong bata, curious, observant, at madaling pumick up ng mga bagay-bagay.

Samantala, ang bunsong si Viela naman ay isang batang sporty at ma-explore, na tila sumalo ng lahat ng enerhiya na meron siya noong pagkabata. 

Ani Junnie, wala siyang ibang hiling para sa dalawa kundi maging matagumpay sa mga bagay na tatahakin nila balang araw.

“Maging masaya sila sa buhay, walang iniisip na problema, at malakas ang katawan. Basta financially, mentally, spiritually, stable sila. Bilang magulang, okay na ako,” kwento ni Junnie.   

Ibinahagi rin ni Junnie ang importanteng aral na nais niyang ipamana sa mga anak: “Kapag nagkaroon kayo ng sariling pamilya, dapat hindi lang kayo handang mamatay para sa mga anak niyo, dapat handa rin kayong mabuhay para sa kanila.” 

Isa rin sa mga hangad ni Junnie para sa bagong vlog serye ay magsilbing ‘diary’ para sa kanyang mga anak at obserbahan kung paano ito nakakaapekto sa kanilang paglaki. 

“Kaya gusto kong gawin ‘to, kapag may importanteng bagay na nangyayari sa kanila, at least recorded, parang nagiging diary mo kung paano ka naging tatay sa mga anak mo.”

Sa huli, binigyang-diin din ni Junnie ang katotohanan na walang perpektong magulang sapagkat ang prosesong ito ay isang ‘continuous growth.’ 

Netizens’ Comments

Samantala, marami ang humanga sa pagiging hands on father ni Junnie, dahilan upang ipadala ng mga manonood ang kanilang mga pagbati.

@therese8406: “Sa wakas na tuloy na din ang mala “Return of Superman” content na matagal mo inaasam noon pa”

@ikka1665: “Eto yung pinakang gusto kong vlog ni Junnie, his side as a dad napaka comforting panuorin. depende talaga sa parenting kung anong i-aasta ng anak.”

@ashiee.j: “The hand placement ni Junie sa tip ng table kada dadaan [ang mga anak]”

Watch the full vlog below:

Alex Buendia

Recent Posts

Celebrate Cong TV’s Birthday With Team PYMN Clothing’s Newest ‘Lincoln Club Collection’

Team Payaman Fans, get ready for another exciting streetwear drop! Cong TV’s apparel brand, Team…

17 hours ago

Team Payaman’s PAAWER Couple CongViy Battles Celebrity Loveteam JoshLia in ‘Kusina Wars’

Isang nakakakilig na episode ang hatid ni Viy Cortez-Velasquez sa kanyang “Kusina Wars” vlog matapos…

1 day ago

Viy Cortez-Velasquez Takes House Angels To A Delicious Food Adventure With Kidlat and Tokyo

Isang masayang food adventure ang hatid ni Mommy Viy Cortez-Velasquez kasama ang mga house angels…

2 days ago

VIEN DIARIES: Vien Iligan-Velasquez Takes Viewers To A Quick Pickleball Serye in Cebu

Isang Cebu adVIENture ang hatid ni Vien Iligan-Velasquez matapos nilang dumayo sa nasabing probinsya upang…

2 days ago

Ready to Feel the Beat? Why Team Payaman Fair 2026: VIYond The Beat Should Be on Your Holiday Bucket List

For fans who have spent years watching their favorite Filipino content creators through vlogs, livestreams,…

2 days ago

Cong TV and Viy Cortez-Velasquez Become the New Faces of MARSTEK Philippines

Panibagong endorsement ang hatid ng Team Payaman PAAWER Couple na sina Cong TV at Viy…

2 days ago

This website uses cookies.