Abigail Campañano-Hermosada Explores the Healing Island of Siquijor

Matapos ang kanyang naunang travel vlog sa Bohol, dinala naman ng Team Payaman vlogger na si Abigail Campañano-Hermosada ang kanyang mga manonood sa isla ng Siquijor.

Sa kanyang panibagong vlog, tampok ang kanilang biyahe mula Bohol hanggang sa kanilang pagdating sa tinaguriang ‘healing island’ kasama ang ilang Team Payaman members.

‘The Healing Island’

Sa pagpapatuloy ng kanilang bakasyon, ibinahagi ni Abigail Campañano-Hermosada, a.k.a. Abi, ang sunod na mga kaganapan sa kanilang paglalakbay patungo sa isla ng Siquijor kasama ang kanyang mga kaibigan.

Kasama niya rito ang kanyang asawa na si Kevin Hermosada at sina Chino Liu, a.k.a. Tita Krissy Achino, Clouie Dims, Kevin Hufana, Eve Marie Castro, Cedric Sunga, a.k.a. Igme, Jopearl Abad, Stephanie Maureen Anlacan, a.k.a. Mau, Carlo Miguel Odtuhan, Aaron Macacua, a.k.a. Burong, at Aki Angulo-Macacua.

Bago tuluyang tumawid ng dagat patungong Siquijor, dumaan muna ang grupo nina Abi sa Marilou Resort sa Bohol upang mag tanghalian. Habang naghihintay ng pagkain, naglaan sila ng oras upang kumuha ng mga larawan sa tabing-dagat.

Matapos kumain, nagtungo ang grupo sa Common Crew, isang café na ipinagmamalaki ng mga lokal. 

Ayon kay Abi, hindi nasayang ang kanilang pagpunta dahil bukod sa masarap ang kape, nagustuhan din nila ang ambiance ng lugar at natuklasan pa ang tradisyonal na asin na tinatawag na Asin Tinuok o ‘rock salt.’

Kinabukasan, maagang naghanda ang grupo para sa kanilang itinerary. Unang sa kanilang destinasyon ang Cambugahay Falls, kung saan sinubukan nila ang sikat na ‘Fairy Walk’ activity. 

Bagama’t may kaba sa simula, inamin ni Abi na naging masaya at kapana-panabik ang kanyang karanasan dahil sa gabay ng mga lokal.

Mula rito, nagtungo sila sa Salagdoong Beach Resort kung saan nagkaroon sila ng masayang  pananghalian na inihanda ng Gotmarked Tours. Sa kanyang vlog, pinasalamatan ni Abi ang kumpanya at inirekomenda ito sa mga manonood na naghahanap ng travel and tours service.

Kasunod sa kanilang paglalakbay ang Cabugsayan Falls, kung saan sinubukan naman nila ang pagsakay sa bamboo raft na nagdagdag ng kakaibang adventure sa kanilang karanasan. 

Bago matapos ang araw, dumaan din ang grupo sa isang beach sa Siquijor upang maglaan ng oras sa group photos.

Netizens’ Comments

Samantala, hindi rin nagpahuli ang kanyang mga manonood sa pagpapakita ng suporta at pagbati.

@bretheartgregorio1886: “Power sa’yo, Ababies!”

@ITSSIMPLYTRICKYTV: “New subscriber here. Watching replay from Jeddah, KSA. Sending support without skipping video.”

Watch the full vlog below:

Angelica Sarte

Recent Posts

Cong Clothing Rebrands as ‘Team Pymn’, Drops New Shirt and Cap Collection This January

Team Payaman fans are in for a treat with fresh merch dropping this January from…

1 day ago

Viy Cortez-Velasquez and Cong TV Visit Fellow TP Members’ New Home

Matapos ang paglipat ng ilang Team Payaman members sa kanilang bagong tahanan, buong galak na…

3 days ago

Viy Cortez-Velasquez Levels Up Merienda With Tuna

Pangmalakasang easy-to-follow tuna recipe ang handog ni Viy Cortez-Velasquez sa kanyang recent ‘Kuking Ina’ serye…

3 days ago

Kevin Hermosada Shares a Glimpse of His Daily Grind in Latest Vlog

Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ni Kevin Hermosada ang kanyang life update, kung saan ipinasilip…

3 days ago

Mika Salamanca Recalls PBB Journey in Viy Cortez-Velasquez’s Latest Vlog

Hindi lang tawa at kulitan ang napanood ng mga fans sa pinakabagong YouTube vlog ng…

4 days ago

Viy Cortez-Velasquez Shares Her Kids’ Daily Protection

Afternoons are all about keeping children safe during playtime and outdoor activities. To make this…

5 days ago

This website uses cookies.