Kung dati’y nakilala sa paggawa ng nakakatawang content online, isa rin ang pagsulat ng kanta at pag-awit ang hilig ng Team Payaman vlogger na si Yow Andrada kasama ang kanyang bandang “YNO.”
Tunghayan ang pagharana ng bandang YNO sa kilalang musical radio station na Wish 107.5 bitbit ang kanilang pinakabagong hit single!
Sa paglabas ng kanilang bagong single ngayong taon, lalo pang umigting ang suporta ng mga tagapakinig ng bandang YNO.
Maraming fans ang naka-relate sa temang dala ng kantang ‘Because’ na may temang tungkol sa emosyon, relasyon, at mga bagay na madalas hindi madaling sabihin.
Bukod sa recording, pinatunayan din ng banda na kaya nilang magbigay ng solidong live performance nang maanyayahan ang mga ito na umawit sa loob ng WishBus ng Wish 107.5 radio station.
Mas naging espesyal ang promo ng kanta nang bumida ang YNO sa Wish 107.5 Bus, kung saan live nilang inawit ang “Because” at isa ang paboritong awiting ng madla na “Hayaan.”
Ang energy at feels ng kanilang live set, ramdam hanggang kalsada, making the performance one for the books!
Samantala, marami ang bumati sa bandang YNO sa kanilang milestone bilang mga musikerong Pilipino.
Mark Joseph J. Mediona: “[Mga] idol!”
Richard Erk Cada: “Congrats!”
Nancy Cabrera Andrada: “Congrats!”
Darwin L Umpad: “Congrats mga lods!”
Mapapakinggan ang “Because” sa iba’t ibang digital streaming platforms tulad ng Spotify, Apple Music, iTunes, YouTube, at YouTube Music.
Isang masayang food adventure sa Vietnam ang ipinasilip ni Clouie Dims kasama ang kapwa Team…
Matapos ang tatlong taon ng matagumpay na pagdadaos ng Team Payaman Fair sa Metro Manila,…
The Cortez-Ragos family, better known as the RaCo Squad, happily celebrated their little princess, Samantha…
Disclaimer: This article may contain triggering content on depression and suicide and is intended for…
Talaga namang ‘living the pinterest dream’ ang vibe na hatid ng Team Payaman momma na…
It’s that time of the month again, where Viyline MSME Caravan takes everyone’s shopping experience…
This website uses cookies.