BEHIND THE SCENES: Team Payaman Fair 2025 VIYond The Beat Photoshoot

Matapos ang tatlong taon ng matagumpay na pagdadaos ng Team Payaman Fair sa Metro Manila, ngayong taon ay dadalhin na nila ito sa Cebu! 

Mark your calendars dahil mula December 1 hanggang December 4, 2025, sasayaw at sisigaw ng ‘PAAwer’ ang mga Cebuano sa SM Seaside City Cebu.

Cebu, Here We Come

Bilang panimula ng kanilang paghahanda, nagsagawa ang Team Payaman ng retro-inspired photoshoot para sa nalalapit na Team Payaman Fair 2025: “VIYond The Beat.” 

Sa bagong vlog nina Pat Velasquez-Gaspar at Aaron “Burong” Macacua, masisilip ang masasayang mga tagpo sa nagdaang TP Fair photoshoot.

Wholesome Moments

Sa bagong vlog ni Pat Velasquez-Gaspar, makikita ang mga kulitan ng ilang Team Payaman members habang naghahanda sila para sa shoot. 

Isa sa mga tumatak sa mga manonood ay ang biruan nila ng asawang si Exekiel Christian Gaspar, a.k.a Boss Keng. Hindi rin nawala ang pang-aasar ng TP fam sa isa’t-isa, na s’yang kinagiliwan ng mga manonood. 

Kasama rin sa photoshoot si JM Macariola, na hindi nakaligtas sa playful banter ng grupo matapos ang kanyang enhancement journey.

Bukod pa rito, ibinahagi ni Pat na this year marks a milestone para sa kanya: for the first time, hindi siya buntis sa TP Fair photoshoot. Kaya naman ramdam na ramdam ang excitement nila ni Boss Keng, kitang-kita sa kanilang sweet chemistry sa harap at likod ng camera.

Samantala, sa vlog naman ni Burong, ipinakita rin ang masayang biruan at candid shots sa mismong photoshoot. 

Present din ang kanyang asawa na si Aki, pati na ang ilang TP members na all-out sa suporta at saya para sa inaabangang Team Payaman Fair 2025.

Watch the vlogs below:

Carmellie Ocampo

Recent Posts

Bring Your Family and Creativity Together This Christmas with TP Kids

The holiday season is all about creating joyful memories with family, and TP Kids has…

10 hours ago

Vien Iligan-Velasquez Shares Snippets of Mavi’s 7th Birthday Celebration

Sa bagong vlog ni Vien Iligan-Velasquez, ibinahagi niya ang emosyonal at masayang selebrasyon ng ika-pitong…

21 hours ago

Viy Cortez-Velasquez Challenges Sexbomb Girls in Kitchen Showdown

Hindi hatawan sa dance floor, kundi hatawan sa kusina ang hatid ng Team Payaman vlogger…

21 hours ago

Netizens Giggle Over Kidlat and Viela’s Cute Bonding Moments

Good vibes at ‘balls of sunshine’ kung tawagin ang magpinsan na sina Alona Viela at…

21 hours ago

Buy More, Slay More with Viyline Cosmetics’ Exclusive Holiday Lip Treat

It’s the season to be festive, and your makeup look should reflect the joy and…

21 hours ago

Ivy Cortez-Ragos Shares Easy Wais-Linis Hack with Twice Cleaner

Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ni Ivy Cortez-Ragos ang isang praktikal at wais na DIY…

2 days ago

This website uses cookies.