Why Yno’s Latest Single ‘Because’ Has Netizens Talking?

Bukod sa pagpapatawa at paggawa ng mga viral content online, ipinapakita rin ni Anthony “Yow” Andrada ang kanyang pagiging multi-talented artist bilang isang singer-songwriter.

Matapos ang matagumpay na release ng latest single ng Yno na ‘Because,’ marami ang nagpahatid ng kanilang reaksyon sa nasabing obra.

Love and Admiration

Agosto ngayong taon nang ibahagi ng bandang Yno, na kinabibilangan ng Team Payaman vlogger na si Yow Andrada, ang kanilang bagong single. 

Ang kanta ay pinamagatang “Because,” at ito ay isang romantic love song na puno ng nakakakilig na mga linya na naglalarawan ng pakiramdam ng pagkahanap sa “the one.” 

Sa bawat parte ng nasabing kanta, ipinaramdam nila ang saya at pasasalamat sa pagkakaroon ng isang espesyal na tao na tila ipinadala ng langit.

Makikita sa kanta ang mga tagos-sa-pusong linyahan tungkol sa pagmamahal at paghanga mula sa simpleng ngiti, titig, hanggang sa pakiramdam na matagal mo nang hinahanap ang isang tao at ngayon ay natagpuan mo na siya.

Relate-Much Reactions

Dahil dito, marami sa kanyang fans ang nakarelate at mas lalo pang humanga sa pagiging versatile ng bandang Yno pagdating sa pagbuo ng musika.

@akosigon28: Sarap pakinggan habang nagmumuni-muni.

@ferng:Thank you Waldo, may idadagdag na naman ako sa TP playlist songs ko.

@kaloy0514: Another type of music na chill lang, yung tipong nasa terrace ka ng condo, watching traffic lights while holding a can of beer tapos kasing lalim ng balon yung iniisip mo.

@cerisecolor: Let’s go! Another masterpiece from Ynooo.

@micojamesph: Ganda, solid!

@coffepeace-h6:  Yow, just wow! Ganda grabe.

Available Worldwide

Mapapakinggan na ang “Because” sa lahat ng digital streaming platforms tulad ng Spotify, Apple Music, iTunes, YouTube, YouTube Music, kaya kahit saan ka man sa mundo, maaari mo nang mapakinggan at maramdaman ang kilig na hatid ng bagong awitin ng Yno.

Listen to Yno’s ‘Because’ below:

.

Carmellie Ocampo

Recent Posts

Viy Cortez-Velasquez Takes Sisters On A ‘Tres Marias’ Foodtrip Date

Isang masaya at nakakabusog na mini foodtrip vlog ang hatid ng magkakapatid na Viy Cortez-Velasquez,…

31 minutes ago

Start 2026 on a Fresh Note with Perfect Scent by Viyline

The new year is the perfect time to refresh not just your routines, but your…

53 minutes ago

Former Team Payaman Editor Carlo Santos Shares a Family Milestone

Ngayong taon lamang ay ibinahagi ng former Team Payaman editor na si Carlo Santos ang…

1 hour ago

Viy Cortez-Velasquez and Cong TV Take On Full-Time Parenting for a Day

Isang masaya at puno ng memoryang vlog ang hatid ni Viy Cortez-Velasquez at Lincoln Velasquez,…

1 day ago

Cong TV Reunites with a Familiar Face from ‘ISTASYON’ to Spice Up an Ad Jingle

Muling binalikan ni Cong TV ang isa sa mga nakasalamuha niya sa kanyang ‘ISTASYON’ vlog…

2 days ago

Netizens Applaud Cong TV’s Simple Yet Memorable Bonding with Kidlat

Muling kinaaliwan ang father-and-son duo na sina Cong TV at Kidlat matapos nilang ibahagi ang…

5 days ago

This website uses cookies.