Talaga namang ‘living the pinterest dream’ ang vibe na hatid ng Team Payaman momma na si Vien Iligan-Velasquez.
Tunghayan ang kanyang ‘Vietnam Dump’ entries at ang komento ng mga netizens sa kanyang recent photo uploads.
Kamakailan lang ay lumipad pa-Vietnam si Vien Iligan-Velasquez kasama ang kanyang mga in-laws na sina Viy Cortez-Velasquez, Pat Velasquez-Gaspar, Venice Velasquez, Clouie Dims, at Chino Liu.
Matapos ang kanilang masaya at hindi malilimutang trip, agaw pansin sa mga followers ni Vien ang kanyang recently-uploaded ‘Vietnam Dump’ entries.
Talaga namang extra at pinterest-inspired ang mga litratong ibinahagi ni Vien sa kanyang mga Instagram posts.
“This trip was totally unplanned. We were just having coffee and chatting. Just casually talking about when we’d travel together as sisters then suddenly, @viycortez pulled out her credit card and boom, it was booked,” ani Vien sa kanyang caption.
Isa sa mga hinangaan ng kanyang mga followers ay ang cute doodles at mga journal-inspired designs ng kanyang mga litrato.
Ayon kay Vien, ang kanyang social media manager na si Yani ang tumulong sa kanya na mapaganda ang kanyang Instagram photos.
Ibinahagi naman ni Yani na gumagamit ito ng mga online editing applications upang ma-achieve ang journal-like dump entry ni Vien.
Mula sa airport, Ho Chi Minh food trip, hanggang sa kanilang Vietnam shopping experience, masayang ibinahagi ni Vien ang ilan sa mga tagpo ng kanilang all-girls trip sa likod ng kanilang mga vlogging camera.
Pati na rin ang kanyang mga OOTD ay isa na rin sa mga hinangaan ng kanyang mga followers.
Marami sa kanyang mga followers ang nagpahatid ng kanilang paghanga sa malikhaing Vietnam trip recap ni Vien.
@krisch1n_: “Hi ate! Where do you layout your posts and how do you cut it? Very very nice!!!”
@gelabee.jpg: “Hi where did you buy the bluish bag in slide 8 po?”
@icavillanueva: “Ang aesthetic naman!”
@maryjanejjg_: “Saan ka nag eedit Vien?”
@chonabears: “Ateccoooo anong app yaaaan?? Apaka estetik! I love it!”
Team Payaman Fans, get ready for another exciting streetwear drop! Cong TV’s apparel brand, Team…
Isang nakakakilig na episode ang hatid ni Viy Cortez-Velasquez sa kanyang “Kusina Wars” vlog matapos…
Isang masayang food adventure ang hatid ni Mommy Viy Cortez-Velasquez kasama ang mga house angels…
Isang Cebu adVIENture ang hatid ni Vien Iligan-Velasquez matapos nilang dumayo sa nasabing probinsya upang…
For fans who have spent years watching their favorite Filipino content creators through vlogs, livestreams,…
Panibagong endorsement ang hatid ng Team Payaman PAAWER Couple na sina Cong TV at Viy…
This website uses cookies.