Boss Keng Shares What It Takes to Be a Motivational Dad

Bukod sa pagiging content creator at mapagmahal na asawa, muling ipinamalas ni Boss Keng ang kanyang pagiging hands-on dad sa kanyang panganay na si Isla.

Sa simpleng usapan at gabay, ipinakita niya kung paano naipapasa ng isang magulang ang tamang suporta, disiplina, at inspirasyon sa kanyang anak.

‘The Motivational Father’

Bago pa man dumating sa swimming training ng kanyang panganay na si Isla Patriel Gaspar, a.k.a. Isla, ibinahagi ng Team Payaman vlogger na si Exekiel Christian Gaspar, a.k.a. Boss Keng sa kanyang vlog ang kanyang pananaw bilang ama.

Ayon kay Daddy Keng, mahalaga para sa mga magulang na magsilbing huwaran at patuloy na magbigay ng motibasyon sa kanilang mga anak.

“Bilang tatay, kailangan tayo ang nagiging example, tayo ang nag-momotivate, tayo ang nagbibigay inspirasyon sa mga anak natin,” ani Daddy Keng sa kanyang vlog.

Dagdag pa ni Daddy Keng, nais niyang maranasan ni Isla ang mga bagay na hindi niya nagawa noong kabataan, kabilang na ang pagkakaroon ng swimming training. 

“Ang gusto kong ipa-experience kay Isla Boy, lahat! Marami akong bagay na hindi nagagawa noon na gusto kong ipagawa sa anak ko,” kwento ni Daddy Keng.

Bukod rito, itinuro rin ni Daddy Keng kay Isla ang kahalagahan ng disiplina at respeto. Palagi niyang ipinaalala na magpasalamat sa coach matapos ang bawat training bilang pagpapakita ng paggalang at pagpapahalaga.

Pagdating sa mismong training, kapansin-pansin ang pagdadalawang-isip ni Isla na ilang beses ding tumangging gawin ang mga ipinapagawa ng kanyang coach habang siya’y lumalangoy.

Gayunpaman, nanatiling matiyaga si Daddy Keng sa paggabay at pagbibigay ng mga salitang nagpalakas ng loob ng anak.

Bagama’t ilang ulit umiyak at nagdalawang-isip, nagpatuloy si Isla sa training at unti-unting natutunan ang tamang paraan ng paglangoy sa tulong ng kanyang coach at sa suporta ng kanyang ama.

Sa pagtatapos ng vlog, iniwan ni Boss Keng ang mensahe na ang tagumpay ay nakukuha sa positibong pananaw, pagtanggap sa hamon, at patuloy na pag-unlad—mga aral na nais niyang ipamana sa kanyang anak.

Netizens’ Comments

Samantala, nagbigay ng iba’t ibang reaksyon ang mga netizens na natuwa at naaliw sa paraan ng pagtuturo ni Boss Keng at sa pagsubok ni Isla sa kanyang swimming lesson.

@mizg07-z3t: “Tawang tawa ako sayo, Boss Keng. Iyak nang iyak si Isla Boy pero tuloy pa rin kakasabi mo ng motivational quotes.”

@mariedominiquecruz-f7m: “Ayaw niya raw pero sumusunod. Hahaha good job, Isla Boy! So galing mo baby!”

@mitty728: “Isa ako sa mga matutuwa kapag napanood kong marunong nang lumangoy si Isla. Thank you sa new upload mo, Boss Keng!”

Watch the full vlog below:

Angelica Sarte

Recent Posts

Vien Iligan-Velasquez Wows Followers with Her Vietnam Travel Photos

Talaga namang ‘living the pinterest dream’ ang vibe na hatid ng Team Payaman momma na…

1 hour ago

A Fun Shopping Experience Awaits at VIYLine MSME Caravan Muntinlupa Leg

It’s that time of the month again, where Viyline MSME Caravan takes everyone’s shopping experience…

1 hour ago

Why Yno’s Latest Single ‘Because’ Has Netizens Talking?

Bukod sa pagpapatawa at paggawa ng mga viral content online, ipinapakita rin ni Anthony “Yow”…

4 hours ago

Team Payaman Girls’ VietnamVIENture Through Vien Iligan-Velasquez’s Lens

Sa likod ng successful prank ng Team Payaman Girls kay Tita Krissy Achino sa gitna…

2 days ago

Get First Dibs on Viyline’s Buy 1 Take 1 Payday Sale Deals

Payday doesn’t only mean you’re getting paid for your hard work, but also spoiling yourself…

4 days ago

Dudut Lang Cooks Team Payaman Wild Cats’ Favorite Dishes

Hindi lang sa pagpapatawa mahusay ang kwelang miyembro ng Team Payaman na si Dudut Lang,…

4 days ago

This website uses cookies.