Team Payaman Girls’ VietnamVIENture Through Vien Iligan-Velasquez’s Lens

Sa likod ng successful prank ng Team Payaman Girls kay Tita Krissy Achino sa gitna ng kanilang Vietnam trip, hatid naman ngayon ni Vien Iligan-Velasquez ang mga pasilip sa kanilang VietnamVIENture.

Tunghayan ang mga tagpo sa likod ng all-girls out-of-the country trip ng ilang miyembro ng Team Payaman. 

VietnamVIENture

Sa kanyang bagong vlog upload, hatid ng Team Payaman vlogger na si Vien Iligan-Velasquez ang kanyang point of view sa kanilang nagdaang Vietnam trip.

Bukod sa kanya, kasama rin n’ya ang kapwa TP members na sina Viy Cortez-Velasquez, Pat Velasquez-Gaspar, Venice Velasquez, Clouie Dims, at Chino Liu.

Nanatili ang TP Girls sa Ho Chi Minh, isa sa mga sikat na siyudad sa nasabing bansa kung saan matatagpuan ang mga ipinagmamalaki na mga restaurant, cafe, at mga bilihan.

Una nang sinubukan nina Vien ang mga lokal na pagkain at mga kapeng ipinagmamalaki sa Vietnam para sa kanilang first day brunch.

Hindi rin nila pinalampas na masubukan ang King Crab, na ayon kay Vien ay libre na nina Viviys.

Hindi kumpleto ang kanilang Vietnam visit kung wala ang pamimili at pamamasyal sa ilang mga mall at shopping districts.

Binuo ng TP Girls ang kanilang masayang VietnamVIENture sa pamamagitan ng pagbisita sa sikat na sikat na ‘Cafe Apartment.’

Netizens’ Comments

Samantala, marami sa mga manonood ang talagang inabangan ang mga pasilip sa all-girls trip ng Team Payaman sa Vietnam.

@jhasminecbg: “Ang aesthetic talagaaaaa!”

@jerahtorres5731: “This is honestly one of the most fun vlogs I’ve seen from Vien! I loved the genuine bond between all the girls and Chino, such a pure girl gang vibe with nonstop laughs. Every moment was a joy to watch. Can’t wait for more videos like this!”

@jhelim3409: “Ang istitik ng mga pics sa last vid awwww ang ganda!”

@yeahitsmenice: “Ang aesthetic naman sheeesh!”

Watch the full vlog below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Netizens Applaud Cong TV’s Simple Yet Memorable Bonding with Kidlat

Muling kinaaliwan ang father-and-son duo na sina Cong TV at Kidlat matapos nilang ibahagi ang…

2 days ago

Dudut Lang Launches First-Ever ‘Dudut’s Kitchen Awards’

Tuloy-tuloy ang pagpapakitang-gilas ng resident chef ng Team Payaman na si Jaime Marino De Guzman,…

3 days ago

Vien Iligan-Velasquez Shares Family’s Intimate New Year’s Eve Celebration

Matapos ang pasko, bagong taon naman ang sunod na ipinagdiwang ng pamilya Iligan-Velasquez sa loob…

3 days ago

Junnie Boy Embraces Daddy Duties and Family Life in Latest Vlog

Sa paglipat ng pamilya Iligan-Velasquez sa kanilang bagong tahanan, ibinahagi ng Team Payaman vlogger na…

3 days ago

Viy Cortez-Velasquez and Tita Krissy Achino Face Zeinab Harake-Park’s ‘Don’t Flinch’ Challenge

Isang pasabog ang dala ni Zeinab Harake-Parks sa kaniyang recent YouTube vlog kung saan hinamon…

4 days ago

Double the Charm: Tokyo Athena and Kidlat Steal Hearts in Recent Milestone Shoot

Mas dumoble ang saya at kakulitan sa ninth month milestone photoshoot ng magkapatid na Tokyo…

4 days ago

This website uses cookies.