Dudut Lang Cooks Team Payaman Wild Cats’ Favorite Dishes

Hindi lang sa pagpapatawa mahusay ang kwelang miyembro ng Team Payaman na si Dudut Lang, dahil hindi rin siya magpapatalo pagdating sa kusina! 

Sa pinakabago niyang vlog, bagong trip ang handog niya matapos subukang lutuin ang mga paboritong pagkain ng Team Payaman Wild Cats habang abala ang mga ito sa kanilang “All-Girls Trip” sa Vietnam.

Treats for TP Girls

Sa bagong vlog ni Jaime Marino de Guzman, a.k.a Dudut, ipinaliwanag niya ang dahilan sa likod ng kanyang kitchen venture. 

“Ngayong araw, napagdesisyunan ng mga mangilan-ngilan sa aming mga reyna na umalis pa-ibang bansa ng sila-sila lang. Kumbaga, girls trip,” aniya. 

“So ngayon, naisip ko nung umalis sila, ‘bakit ‘di ako magluto ng TP Wild Cats Favorite Foods?’ Gagawin ko siya ngayon, kung kailan wala sila.”

Una niyang inihanda ang paboritong ulam ng kanyang long-time partner, ang kakaibang Menudo ng Cavite. Ibinahagi ni Dudut na may special twist ang luto nito kumpara sa tradisyonal na menudo.

Sinundan ito ng pag-marinate sa Caldereta, ang paboritong pagkain ni Pat Velasquez-Gaspar. Hindi lang basta nagluto si Dudut, nagbahagi pa siya ng ilang cooking tips para mas lalong mapasarap ang putahe.

Inihanda rin ng all-time resident chef ng Team Payaman ang paboritong pagkain ni Madam Eve Marie Castro, ang Pampano fish, na masusing inihanda at isinailalim sa steaming process.

Matapos ang maingat na paghahanda at pag-marinate, sinimulan na niyang lutuin ang mga putahe.

The Verdict

Kitang-kita ang nakakatakam na itsura ng mga pagkain matapos itong maluto. Bilang pagtatapos, pinatakam niya ang mga manonood sa pamamagitan ng isang taste test kasama sina Boss Keng at Coach JM. 

Masayang-masaya si Dudut sa resulta at ibinahagi ang kanyang another kitchen achievement, “Sobrang saya ko, nakuha ko lahat!” 

Anong pang mga putahe ang gusto niyong matutunan kay Dudut Lang, mga Kapitbahay?

Watch the full vlog below:

Angel Asay

Recent Posts

Race to the Fair: Team Payaman Gears Up for a Fun Team Payaman Fair Teaser Vlog

Nagsama-sama ang mga miyembro ng sikat na vlogger group ng bansa na ‘Team Payaman’ para…

1 day ago

From Gig to Studio: Pinuno and Kuya Inday Create Their Own Song

Mula sa isang gig performance, nauwi sa isang music project ang tambalan nina Elijah Borreros,…

1 day ago

TICKETS ARE OUT: Team Payaman Fair 2026: VIYond The Beat Tickets Are Now Up For Grabs

Team Payaman fans who missed the previous ticket-selling phases may soon get another shot at…

2 days ago

Team OG o SIGA: Donny Pangilinan and Team Payaman Wild Dogs Face Off in New Mang Tomas Ad

Muling nagsama ang tambalang Cong TV at Donny Pangilinan sa isang bagong advertisement ng Mang…

2 days ago

Cook Along with Dudut Lang In His Latest Camping Vlog

Samahan si Dudut Lang sa isang chill camping trip kasama sina Kristel, Burong, at Aki.…

3 days ago

Strength Beyond Skill: Boss Keng Leads Team Alfonso Siklab to MPPT

Naging pormal at puno ng saya ang ginanap na opisyal na media day at contract…

3 days ago

This website uses cookies.