Zeinab Harake Fulfills Her Dream Collab with Ultimate Idol, Marian Rivera

Sa pinakabagong vlog, pinasaya ni Zeinab Harake ang kaniyang ultimate idol fangirl heart nang matupad ang ‘dream collab’ niya with none other than the Primetime Queen, Marian Rivera. 

Bilang isang all-time Marian Rivera fan, buong-saya niyang inimbitahan ang aktres para maging guest sa kaniyang vlog. 

Solid Supporter

“Buong buhay ko, ‘DongYan’ lover talaga ako!” bungad ni Zeinab na may halong kilig at kaba ang nararamdaman sa harap ng iniidolong aktres at ngayo’y Ninang na rin niya sa kasal. 

Sa kanyang bagong vlog, inimbitahan ni Zeinab ang isa sa kanyang mga tinitingalang personalidad sa larangan ng pag-arte —si Marian Rivera.

“Dream collab ko ‘to, noh! Sabi ko nga after nitong collab na ‘to, pwede na ‘kong tumigil sa pag-YouTube,” biro pa ng 26-year-old vlogger.

Mas lalong naging espesyal ang kanilang pagkikita dahil pareho silang lumaki sa Bacoor, Cavite. Para mabalikan ang kanilang pinagmulan, naisip ni Zeinab na dalhin si Marian sa Bacoor para sana sa isang “food trip,” pero dahil sa privacy concerns, gumawa siya ng paraan.

“Sabi ko kasi, since parehas kami taga Bacoor, food-trip kami sa bayan… Eh, hindi ko naman siya pwedeng dalhin sa public, so, pinagawa natin! Dinala natin ang ‘Bayan Bacoor’ sa kaniya!” kwento niya. 

Sa tulong ng Ginger Event Styling, dinala ni Zeinab sa set ang Bacoor, kumpleto sa mga dekorasyong sumasalamin sa kultura ng lugar.

Hindi rin nawala sa vlog ang mga sikat na pagkain sa Bacoor tulad ng chicharon at mani, Halo-halo, puto bumbong, bibingka at tsa-a, ice scramble, tinapa daing (smoked dried fish), Buchi, at Bonete.

Habang nagkwekwentuhan at nilalasap ang mga pagkain, nagkaroon sila ng isang masayang Q&A na tumalakay sa iba’t ibang aspeto ng kanilang buhay, mula sa career, motherhood, hanggang sa married life. 

Nagkaroon din sila ng “fast talk with a twist” na lalong nagpatibay sa kanilang samahan. Pangako pa ng Kapuso star, magkakaroon pa ng mga susunod ang kaniyang pag-guest sa vlog ng inaanak kasama ang mister na si Dingdong Dantes.

Sa huli, dahil buwan ng Agosto at birthday month ni Marian, naghanda si Zeinab ng isang munting sorpresa para sa kaniyang idol. Isang cake at bulaklak ang handog ni Zeinab, na lalong nagpa-special sa okasyon.

Isang makabuluhang birthday wish naman ang ibinahagi ni Marian para kay Zeinab. “Wish ko na lang para sa ‘yo… since bago ang kasal, sana ‘yung love na pinili mo, isama mo si Lord doon para habambuhay kayong magkasama. At syempre, more success para sa ‘yo dahil mabuti kang tao,” aniya.

Netizens’ Comments

Bukod kay Zeinab, isa rin ang kanyang mga supporters sa labis na natuwa sa hindi inaasahang collab ng dalawa.

@IvanaAlawi: “Sarap panoorin! Dalawang maganda ate Yan and mami Zeb!”

@RavenLambert-mz6gl: “Si Marian, hindi mahilig mag-english pero grabe ang wisdom. Halatang matalino talaga. Sabi nya nga, hindi basehan ang pag-eenglish sa pagsukat ng talino ng isang tao!”

@rysachibana1486: “WOW! MARIAN RIVERA NA NAPAKADALANG LUMABAS SA MGA VLOGS. ANOTHER MILESTONE FOR YOU ZEINAB”

Watch the full vlog below:

Angel Asay

Recent Posts

Cong TV Brings Holiday Joy Through Special Home Giveaways with Team Payaman

Isang maagang pamasko ang hatid ng Team Payaman headmaster na si Cong TV sa isang…

5 hours ago

Day 1 Recap: Viyline MSME Caravan Celebrates Its 11th Leg this 2025 at SM Center San Pedro

The Viyline MSME Caravan officially opened its doors at SM Center San Pedro, marking the…

1 day ago

Team Payaman’s Kevin Hermosada Opens Up About His Ear Surgery in Latest Vlog

Kamakailan, matapang na ibinahagi ng Team Payaman vlogger na si Kevin Hermosada ang personal at…

2 days ago

Viyline MSME Caravan Brings Festive Fun to SM Center San Pedro

​ The most wonderful time of the year is starting early! Prepare for a burst…

3 days ago

Team Payaman and Team Harabas Go Night Dive Spear Fishing in Occidental Mindoro

Isang kakaibang biyahe ang hatid ng Team Payaman vlogger na si Boss Keng sa kanyang…

3 days ago

Clouie Dims and Pat Pabingwit Take On the ‘One Shot, One Makeup’ Challenge

Mas naging masaya at mas makulit ang bagong vlog ni Clouie Dims matapos niyang makasama…

4 days ago

This website uses cookies.