Team Payaman Fair 2025: VIYond The Beat Photoshoot Wins Over Fans

Naghatid ng saya sa mga taga-suporta ng Team Payaman ang bagong Facebook post ni Viy Cortez-Velasquez, kung saan ibinahagi niya ang makukulay na kuha mula sa photoshoot para sa nalalapit na Team Payaman Fair 2025: VIYond The Beat.

Umani ito ng libo-libong heart at like reactions, kasabay ng mga komento mula sa mga TP fans na sabik masaksihan ang apat na araw na kaganapan sa SM Seaside City Cebu.

TP Fair Shoot Reactions

Sa kanyang Facebook post, ibinahagi ng Team Payaman vlogger at CEO na si Viy Cortez-Velasquez ang ilang kuha mula sa kanilang photoshoot para sa nalalapit na Team Payaman Fair 2025: VIYond The Beat, na nagpapakita ng konseptong sumasalamin sa masayang samahan ng grupo.

“Team Payaman goes to Cebu! Kitakits [sa] December 1-4, 2025 at Sm Seaside City Cebu, Sky Hall & Sky Park!” ani Viy sa kanyang post.

Kasama sa nasabing photoshoot ang buong grupo ng Team Payaman na kinabibilangan nina Viy Cortez-Velasquez, Lincoln Velasquez a.k.a. Cong TV, Vien Iligan-Velasquez, Marlon Velasquez Jr. a.k.a. Junnie Boy, Exekiel Christian Gaspar a.k.a. Boss Keng, Pat Velasquez-Gaspar, Jaime De Guzman a.k.a. Dudut Lang, Clouie Dims, Aaron Macacua a.k.a. Burong, Aki Angulo-Macacua, Kevin Hermosada, Abigail Campañano-Hermosada, Anthony Jay Andrada a.k.a. Yow, Kebin Hufana a.k.a. Keboy, KhaKha Villes, Steve Wijayawickrama, Carlos Magnata a.k.a. Bok, JM Macariola a.k.a. Coach JM, Kevin Cancamo a.k.a. Genggeng, at Chino Liu a.k.a. Tita Krissy Achino.

Makikita sa mga larawan ang makukulay na kasuotan ng mga miyembro sa photoshoot, na umaayon sa masigla at masayang tema ng Team Payaman Fair ngayong taon.

Gaganapin ang Team Payaman Fair 2025 mula December 1-4, 2025 sa SM Seaside City Cebu, Sky Hall at Sky Park, na inaasahang magiging sentro ng kasiyahan at pagtitipon ng mga taga-suporta mula sa iba’t ibang bahagi ng Visayas.

Netizens’ Comments

Bukod sa dami ng reaksyon, marami ring komento mula sa TP fans ang nagpahayag ng kanilang kasiyahan para sa nalalapit na Team Payaman Fair 2025 sa Cebu.

Jinky Mae Escarro Abello: “See you at Cebu po, Team Payaman!”

Igee G Bacallan: “Hala, nakaka-excite naman. Dati ko pa ‘to wish na wish. I love you all, Team Payaman. Sana ma-meet ko kayo at makapagpa-picture ako sa inyo. See you soon po!”

Mark Gil Morales: “Good luck, Team Payaman!”

Angelica Sarte

Recent Posts

Viyline and SMX Join Forces for TP Kids Fair and Team Payaman Fair 2026

The Viyline Group of Companies (VGC) is officially ready for a huge 2026. In a…

14 minutes ago

Team Payaman’s Kevin Hermosada Drops New Single, ‘Disney’

Kamakailan, opisyal nang inilabas ng singer-songwriter at content creator na si Kevin Hermosada ang kanyang…

11 hours ago

Pat Velasquez-Gaspar Explores Ocean Park Hong Kong’s Sanrio Activation

Isang masaya at hindi malilimutang Ocean Park Hong Kong experience ang hatid ni Pat Velasquez-Gaspar.…

2 days ago

Dudut Lang Shares an Easy French Toast Grilled Cheese Recipe

Muling nagbahagi ng isang simple ngunit makabagong recipe ang Team Payaman cook na si Jaime…

3 days ago

Team Payaman Editors Begin a Shared Journey in Their New Home

Mula sa pagiging kasamahan sa trabaho, ngayon ay magkakasama na sa iisang tirahan ang ilang…

3 days ago

CONTENT WARS: Junnie Boy Teams Up With Burong and Bok Against Boss Keng

Matapos ang unang yugto ng content wars nina Junnie Boy at Boss Keng, isang plano…

3 days ago

This website uses cookies.