Team Cortez-Velasquez Share Sweet Moments on Their First Vacation as a Family of Four

Ilang buwan na ang lumipas mula nang maging opisyal nang family of four ang pamilya Cortez-Velasquez nang dumating ang kanilang bunso na si Tokyo Athena.

Matapos mabinyagan si Baby Tokyo, all smiles at packed na ang kanilang pamilya para sa kanilang kauna-unahang family-of-four getaway.

First Family Getaway

Nitong nakaraang linggo, masayang ibinahagi ni Mommy Viy Cortez-Velasquez ang isang video kasama ang kanyang asawa, si Daddy Lincoln Velasquez, a.k.a Cong TV, at kanilang dalawang anak na sina Zeus Emmanuel a.k.a Kidlat at Baby Tokyo.

Suot ang kanilang brown OOTDs at malalaking mga ngiti, kitang kita ang excitement ng kanilang pamilya sa kanilang kauna-unahang bakasyon na kasama si Baby Tokyo.

Isang TikTok dance entry muna ang ipinasilip ni Mommy Viy bago sila tuluyang lumipad pa-Hong Kong. 

Bukod sa kanilang TikTok entry, kinagiliwan din ng netizens ang goofy at cute photos ng kina Kidlat at Tokyo, na ibinahagi ni Mommy Viviys sa kanyang post.

Netizens’ Comments

Samantala, wala pa mang real time updates ay hindi na makapaghintay ang Team Payaman supporters sa mga tagpo ng kanilang first complete family trip.

Ipinahatid muna ng mga netizens ang kanilang nakakatuwang reaksyon sa pre-vacation contents ng Pamilya Velasquez.

RG DeLeon: “Grabe, napakagandang pamilya. Ingat po palagi!”

Vheej Abadier: “Tig-isa na sila ng mini-me, hahaha! Cutie!!!”

Tila Damayo: “Alam mo, you’re truly blessed by the Lord kapag mabuti ka sa parents mo. Hindi lang dahil nagsisikap ka, kundi dahil may sumusuporta sa’yo, ang mahal mo sa buhay. Have a safe trip, Cong and Viy family!”

Ánn SA Brôùghtón: “Ang ganda at pogi naman ng mga babies!”

Lani Noble: “Ang cute! Ngayon, may dalawa na kayong cute babies na kasama pag nagtatravel. Enjoy and be safe po, Velasquez Fam! Viy Cortez-Velasquez”

Carmellie Ocampo

Recent Posts

Team Payaman’s Kevin Hermosada Drops New Single, ‘Disney’

Kamakailan, opisyal nang inilabas ng singer-songwriter at content creator na si Kevin Hermosada ang kanyang…

10 hours ago

Pat Velasquez-Gaspar Explores Ocean Park Hong Kong’s Sanrio Activation

Isang masaya at hindi malilimutang Ocean Park Hong Kong experience ang hatid ni Pat Velasquez-Gaspar.…

2 days ago

Dudut Lang Shares an Easy French Toast Grilled Cheese Recipe

Muling nagbahagi ng isang simple ngunit makabagong recipe ang Team Payaman cook na si Jaime…

3 days ago

Team Payaman Editors Begin a Shared Journey in Their New Home

Mula sa pagiging kasamahan sa trabaho, ngayon ay magkakasama na sa iisang tirahan ang ilang…

3 days ago

CONTENT WARS: Junnie Boy Teams Up With Burong and Bok Against Boss Keng

Matapos ang unang yugto ng content wars nina Junnie Boy at Boss Keng, isang plano…

3 days ago

Viy Cortez-Velasquez and Dudut Lang Pairs Up To Cook ‘Pastil’

Food trip overload ang hatid nina Viy Cortez-Velasquez at Dudut Lang sa kanilang ‘Luto Mo,…

3 days ago

This website uses cookies.