TP Kid Active Era: Kidlat Sharpens His Skills in Soccer Practice

Cuteness overload ang hatid ni Kidlat sa kanyang Spidey-soccer training na ibinahagi ng Team Payaman mom na si Viy Cortez-Velasquez.

Tunghayan ang kwento sa likod ng Spidey-Kidlat habang masigasig siyang nagsasanay sa paglalaro ng soccer.

Kidlat’s Soccer Training

Sa isang Facebook post, ibinahagi ni Viy Cortez-Velasquez ang isang nakakatuwang kwento sa likod ng isang training session ng kanyang panganay na si Zeus Emmanuel Velasquez, a.k.a. Kidlat, na ngayon ay kinagigiliwan ng netizens.

Ayon kay Mommy Viy, naiyak si Kidlat sa kagustuhang magsuot ng Spiderman costume habang nagsasanay sa paglalaro. Tumanggi umano siyang magpatuloy sa training hangga’t hindi niya ito suot. 

Nang sa wakas ay pinayagan siya ng kanyang Mommy Viy na suotin ang nasabing costume, mas lalo raw ipinamalas ni Kidlat ang dedikasyon niya sa ensayo.

“Umiiyak siya dahil gusto niya sa soccer training nya naka spiderman costume s’ya nung pinasuot… talaga namang pinatunayan n’ya,” kwento ni Mommy Viy sa kanyang post.

Bagama’t hindi sa aktwal na field isinasagawa ang training, hindi ito naging hadlang kay Kidlat sa kanyang pagsisimula sa mundo ng football.

Sa suporta ng kanyang mga magulang na sina Mommy Viy at Daddy Lincoln Velasquez, a.k.a. Cong TV, at sa gabay ng kanyang coach mula sa Sport Club Regulus, patuloy ang kanyang pagsasanay kahit sa loob lamang ng kanilang tahanan.

Sa mga litratong ibinahagi ng kanyang coach na si Francisco Javier De Boer, makikita ang sipag, disiplina, at determinasyon ni Kidlat sa kanyang pag-eensayo, na umani ng papuri at paghanga mula sa kanyang coach.

“Saturday is football day. Well done, Spiderman Kidlat. You are amazing. Coach Francisco is very proud of you!” ani Coach Francisco sa kanyang post.

Netizens’ Comments

Samantala, kinaaliwan ng netizens ang Spiderman costume ni Kidlat na tila nagsilbing inspirasyon upang mas pagbutihin niya ang kanyang pagsasanay.

Quick Pick: “Nasa costume kasi ‘yung powers, Mima! Hahahahaha!”

Shanna Mae Labaniego: “Anak ka nga ni Cong TV. Isang malaking alamat, Kidlat.”

Vina Niña Mae Butron: “Cute naman ng spiderman na ‘yan.”

Monica Bucatcat: “Baka feeling n’ya may super power s’ya kapag suot n’ya ‘yan.”

안안: “Ang cute nga ni Kidlat. At least nagamit ang mga nabili mo, Mommy Viy.”

Angelica Sarte

Recent Posts

Team Payaman’s Kevin Hermosada Drops New Single, ‘Disney’

Kamakailan, opisyal nang inilabas ng singer-songwriter at content creator na si Kevin Hermosada ang kanyang…

7 hours ago

Pat Velasquez-Gaspar Explores Ocean Park Hong Kong’s Sanrio Activation

Isang masaya at hindi malilimutang Ocean Park Hong Kong experience ang hatid ni Pat Velasquez-Gaspar.…

2 days ago

Dudut Lang Shares an Easy French Toast Grilled Cheese Recipe

Muling nagbahagi ng isang simple ngunit makabagong recipe ang Team Payaman cook na si Jaime…

3 days ago

Team Payaman Editors Begin a Shared Journey in Their New Home

Mula sa pagiging kasamahan sa trabaho, ngayon ay magkakasama na sa iisang tirahan ang ilang…

3 days ago

CONTENT WARS: Junnie Boy Teams Up With Burong and Bok Against Boss Keng

Matapos ang unang yugto ng content wars nina Junnie Boy at Boss Keng, isang plano…

3 days ago

Viy Cortez-Velasquez and Dudut Lang Pairs Up To Cook ‘Pastil’

Food trip overload ang hatid nina Viy Cortez-Velasquez at Dudut Lang sa kanilang ‘Luto Mo,…

3 days ago

This website uses cookies.