Team Payaman Kids’ Mavi and Viela Spend Quality Time with Their Parents

Sa simpleng sorpresa at sweet bonding moments, napasaya ng mag-asawang Junnie Boy at Vien Iligan-Velasquez ang kanilang mga anak na sina Kuya Mavi at Viela.

Mula sa pagbili ng regalo para kay Kuya Mavi hanggang sa makeup session nina Mommy Vien at Viela, ipinakita ng pamilya Iligan-Velasquez ang kahalagahan ng pagbibigay ng oras, atensyon, at pagmamahal sa isa’t isa.

Daddy Junnie Surprises Mavi

Hindi man natuloy ang swimming tournament ng kanyang panganay na anak na si Von Maverick Velasquez, a.k.a. Kuya Mavi, hindi ito naging hadlang kay Marlon Velasquez Jr., a.k.a. Junnie Boy, na bigyan ng reward ang anak.

Sa kanyang Facebook post, ibinahagi ni Daddy Junnie na halos isang buwan nag-ensayo si Kuya Mavi at pansamantalang isinantabi pa ang paggamit ng gadgets para makapaghanda sa nasabing tournament. 

Bilang pagkilala sa dedikasyon ng anak, naisipan niyang bilhan ito ng matagal na niyang hinihiling na Nintendo Switch.

“So ngayon, bilhan natin ng regalo si Mavi boy. Dahil bagamat hindi natuloy ang kanyang swimming, nakita naman natin ang pagpupursige nung bata para mag-practice,” ani Daddy Junnie sa vlog.

“Tapos no gadgets at all talaga siya, kasi naghahanda nga siya sa tournament. Pero dahil tapos na yung tournament at hindi natuloy, ang regalo na lang natin sa kanyang pagpupursige ng isang buwan ay [Nintendo] Switch na lang muna,” dagdag pa niya.

Sa kabila ng kawalan ng swimming game, pinili ni Daddy Junnie ang sports-themed game card na may iba’t ibang sports gaya ng volleyball, tennis, chambara, at iba pa. Ayon sa kanya, baka sa pamamagitan nito ay matuklasan ni Kuya Mavi ang iba pang sports na maaaring magustuhan niya.

Nang iabot ni Daddy Junnie ang regalong Nintendo Switch sa anak bago sila kumain kasama sina Mommy Vien, makikita ang tahimik pero halatang masayang reaksyon ni Kuya Mavi.

Sa muling pagtatanong ni Daddy Junnie kung masaya siya, isang simpleng thumbs up at halik sa pisngi ng ama ang naging sagot ni Kuya Mavi.

Mother-Daughter Makeup Session

Sa hiwalay na Facebook post, girl bonding naman ang eksena ng mag-inang Alona Viela at Vien Iligan-Velasquez. Sa simpleng unboxing ng kanyang kauna-unahang Frozen-themed makeup kit, hindi maitago ni Viela ang kanyang excitement.

Mula sa pink eyeshadow hanggang sa nail polish, kitang-kita ay kanyang pagkagalak habang inaayusan ng kanyang Mommy Vien.

Sa huli, proud na ipinakita ni Viela sa harap ng kamera ang kanyang final look na gawa ni Mommy Vien, mula sa ayos ng kanyang mukha hanggang sa kulay ng mga kuko, habang nakangiting tinuturuan siya ng kanyang Mommy kung paano humarap sa kamera.

Angelica Sarte

Recent Posts

Netizens Applaud Cong TV’s Simple Yet Memorable Bonding with Kidlat

Muling kinaaliwan ang father-and-son duo na sina Cong TV at Kidlat matapos nilang ibahagi ang…

3 days ago

Dudut Lang Launches First-Ever ‘Dudut’s Kitchen Awards’

Tuloy-tuloy ang pagpapakitang-gilas ng resident chef ng Team Payaman na si Jaime Marino De Guzman,…

4 days ago

Vien Iligan-Velasquez Shares Family’s Intimate New Year’s Eve Celebration

Matapos ang pasko, bagong taon naman ang sunod na ipinagdiwang ng pamilya Iligan-Velasquez sa loob…

4 days ago

Junnie Boy Embraces Daddy Duties and Family Life in Latest Vlog

Sa paglipat ng pamilya Iligan-Velasquez sa kanilang bagong tahanan, ibinahagi ng Team Payaman vlogger na…

4 days ago

Viy Cortez-Velasquez and Tita Krissy Achino Face Zeinab Harake-Park’s ‘Don’t Flinch’ Challenge

Isang pasabog ang dala ni Zeinab Harake-Parks sa kaniyang recent YouTube vlog kung saan hinamon…

5 days ago

Double the Charm: Tokyo Athena and Kidlat Steal Hearts in Recent Milestone Shoot

Mas dumoble ang saya at kakulitan sa ninth month milestone photoshoot ng magkapatid na Tokyo…

5 days ago

This website uses cookies.