Team Cortez, The Aguinaldos, and D’ Anicetos Go On a Fun Amusement Park Experience

Isang masaya at kwelang vlog collaboration ang hatid ni Viy Cortez-Velasquez sa kanyang bagong YouTube upload.

Tunghayan ang puno ng katatawanang bonding ni Viviys kasama ang dalawa sa mga kinagigiliwang parent-son duo online!

Extreme Collab

Sa kanyang bagong vlog, ginulat ng Team Payaman vlogger na si Viy Cortez-Velasquez ang mga manonood sa kanyang hatid na collaboration content kasama ang The Aguinaldos at D’Anicetos.

Ang nasabing parent-and-son duos ay kilala sa kanilang mga nakakatuwa at relatable contents online.

Ang The Aguinaldos ay binubuo nina Leonida Abion and Lester Aguinaldo Abion, na hatid ay nakakatuwang skits online.

Samantala, ang D’Anicetos naman ay kinahihiligang panoorin ng madla dala ng kanilang mga kwelang hirit sa isa’t-isa.

Para sa nasabing collab, inanyayahan ni Viviys ang dalawang duo na makiisa sa kanilang amusement park visit.

Bukod sa pagsakay sa mga rides, isang misyon ang nararapat na mapagtagumpayan ng mga anak.

“Mayroon tayong one thing in common — ‘yung mga magulang natin, mabilis silang mapikon. Mayroon tayong misyon. Pakuntian tayo ng negative emotions mula sa kanila,” bungad ni Viviys sa mga kasama.

Agad namang kumasa ang mga representative ng The Aguinaldos at D’Anicetos sa hamon ng Team Cortez.

No Reaction Challenge

Maya maya pa’y sumalang na sa mga extreme rides ang bawat pamilya nang hindi nalalaman ng kanilang mga magulang ang kanilang totoong misyon. 

Ilan sa kanilang mga sinakyan ay ang mga buwis buhay rides gaya ng Bump Car, Ferris Wheel, at Twin Spin, na s’yang nagpalabas sa mga emosyon ng mga magulang.

May mga nakalakip ding hamon para sa lahat sa tuwing sila ay sasakay sa bawat ride upang mas lalong makita ang kani-kanilang mga reaksyon.

Sa huli, hindi na nabilang ng Team Viviys ang dami ng beses na nakitaan nila ng ‘nakakapikong’ reaksyon ang kanilang mga magulang.

Bilang pasasalamat sa pagsama sa kanyang masayang collab vlog, naghandog ng munting regalo si Viy para sa kanila.

Netizens’ Reactions

Samantala, marami sa mga tagapanood ang hindi napigilang ipahatid ang kanilang mga reaksyon sa nasabing vlog.

@rochellecanonigo3842: “PART 2 PLEASE!! Sa mga gusto ng part 2,  Like ninyo guys para makita ni Viy”

@AnicetosOfficial01: “Salamat ng marami Ms. Viy! Sobrang saya ng experience namin ni Papa kasama kayo!”

@PatVelasquez: “My fave collab na ginawa mo! Grabe sobrang laughtrip!!!!”

@theAguinaldos: “Feel ko panalo na si Mama dito haysss!”

@Asuncion_JJ: “Viy “not settling for less” Velasquez. Pa-lupit ng palupit from samyang challenge lang to dati eh!”

Watch the full vlog below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Viy Cortez-Velasquez Takes Sisters On A ‘Tres Marias’ Foodtrip Date

Isang masaya at nakakabusog na mini foodtrip vlog ang hatid ng magkakapatid na Viy Cortez-Velasquez,…

2 hours ago

Start 2026 on a Fresh Note with Perfect Scent by Viyline

The new year is the perfect time to refresh not just your routines, but your…

3 hours ago

Former Team Payaman Editor Carlo Santos Shares a Family Milestone

Ngayong taon lamang ay ibinahagi ng former Team Payaman editor na si Carlo Santos ang…

3 hours ago

Viy Cortez-Velasquez and Cong TV Take On Full-Time Parenting for a Day

Isang masaya at puno ng memoryang vlog ang hatid ni Viy Cortez-Velasquez at Lincoln Velasquez,…

1 day ago

Cong TV Reunites with a Familiar Face from ‘ISTASYON’ to Spice Up an Ad Jingle

Muling binalikan ni Cong TV ang isa sa mga nakasalamuha niya sa kanyang ‘ISTASYON’ vlog…

2 days ago

Netizens Applaud Cong TV’s Simple Yet Memorable Bonding with Kidlat

Muling kinaaliwan ang father-and-son duo na sina Cong TV at Kidlat matapos nilang ibahagi ang…

5 days ago

This website uses cookies.