Team Payaman Girls Channel ‘Girlhood’ Vibes in Their Vietnam TikTok Entries

Naghatid ng girlhood energy ang Team Payaman Girls sa kanilang TikTok entry serye mula sa Vietnam, sa pangunguna ni Viy Cortez-Velasquez.

Mula sa fit checks hanggang sa dance trends, tampok ang masayang bonding ng grupo habang nagbabakasyon sa nasabing bansa.

Airport Fits

Bago pa man lumipad patungong Vietnam, game na agad ang Team Payaman Girls na sina Viy Cortez-Velasquez, Vien Iligan-Velasquez, Clouie Dims, Pat Velasquez-Gaspar, at Venice Velasquez sa isang TikTok entry bago lumipad pa-Vietnam.

Isa-isa nilang ipinakita ang kanilang airport outfits gamit ang kantang ‘Right Round’ habang nagpapasahan ng kamera ayon sa kanilang pagkakasunod-sunod.

‘Pass The Kiss’

At syempre, hindi rin nagpahuli ang TP girls sa sikat na ‘Passing The Kiss’ TikTok trend, kung saan isa-isa silang humaharap sa kamera at ipinapasa ang halik sa kanilang kasunod. 

Umani ito ng positibong komento mula sa kanilang mga tagahanga na natuwa ring makita silang magkakasama at nagkaroon ng sariling bonding time.

Bukod sa kanilang magagandang outfits, kapansin-pansin din umano ang kanilang fresh at blooming nilang aura.

UI VAI VAI

Habang namamasyal sa Vietnam, agad na sinamantala nina Viviys, Clouie, at Vien ang ganda ng lugar para sa kanilang panibagong TikTok entry, na umani na ng mahigit isang milyon na nakapanood.

Sa pagkakataong ito, muling isinagawa ng grupo ang ‘UI VAI VAI’ TikTok trend na sumikat noong nakaraang taon, kung saan bawat isa sa kanila ay kinukuhanan ng bouncing shot na tumutugma sa ritmo ng tugtog.

Fit Check!

Bukod sa group entries, tampok rin ang isang solo ‘fit check’ mula kay Viviys na kuha sa harap ng Cafe Apartment, isang kilalang tourist spot sa Ho Chi Minh City, Vietnam.

Suot ang itim na dress na ipinares sa beige polo at sunglasses, maayos niyang naipresenta ang kanyang Outfit of the Day o OOTD na akma sa setting ng kanilang bakasyon.

Angelica Sarte

Recent Posts

Level Up Year-End Celebration Memorabilia with Viyline Printing Services

​ As the New Year approaches, many Filipino families are seeking unique ways to make…

5 minutes ago

Ninong Ry Finally Grants Cong TV and Junnie Boy’s Cravings After Four Years

Matapos ang apat na taon, oras na para tuparin ni Ninong Ry ang kanyang pangako…

2 days ago

Junnie Boy Shares Dad Realizations in Recent ‘Tsuper Dad’ Vlog Episode

Para sa ikatlong episode ng ‘Tsuper Dad’ serye ni Marlon Velasquez Jr., a.k.a Junnie Boy,…

2 days ago

Team Payaman Members Bag Witty Awards at Their Recent Christmas Party

Sa nakaraang Christmas Party ng Team Payaman, hindi lang basta salu-salo ang naganap, nagkaroon din…

2 days ago

Viy Cortez-Velasquez Takes Cong TV on a Spontaneous Husband-and-Wife Adventure

Isang kwela at full-of-adventure vlog ang hatid nina Viy Cortez-Velasquez at mister niyang si Lincoln…

2 days ago

Cong TV Brings Holiday Joy Through Special Home Giveaways with Team Payaman

Isang maagang pamasko ang hatid ng Team Payaman headmaster na si Cong TV sa isang…

5 days ago

This website uses cookies.