Bago pa man ang inaabangang rematch kontra sa Team Shooting Stars sa Star Magic All Star Games, ibinahagi ng Team Payaman vlogger na si Burong ang ilang masayang kaganapan kasama ang kapwa TP members.
Tampok sa nasabing vlog ang kanyang pagdalo sa isang brand collaboration shoot, pati na rin ang masayang kulitan at paghahanda ng kanilang basketball stats para sa nalalapit na laban.
Sa unang bahagi ng vlog, isinama ni Aaron Macacua, a.k.a. Burong, ang kanyang mga manonood sa taping ng kolaborasyon sa pagitan ng Pencil Box at Linya-Linya, na ginanap sa mismong headquarters ng Linya-Linya.
Sa kanyang pagdating, ipinakilala niya ang kaibigang si Roger Naldo, isa sa mga miyembro ng Koolpals at kilalang komedyante, na nagbahagi ng isang mabilisang improvised joke tungkol sa itsura ng isang Marvel movie sakaling gawin ito sa Pilipinas.
Matapos ang collaboration shoot, isa-isa namang sumabak sa Tongue Twister Challenge ang ilang Team Payaman members na sina Clouie Dims, Steve Wijayawickrama, Kevin Hufana, Chino Liu, at Carlos Magnata, a.k.a. Bok, sa pangunguna ni Burong.
Kabilang sa mga sinubukan ng grupo ang ilang kilalang tongue twister sa wikang Filipino tulad ng “Nakakapagpabagabag” at “Minekaniko ni Moniko ang makina ng manika ni Monika.” Mabilis itong nakuha ng karamihan, maliban kay Steve na ilang beses ding nahirapan sa pagbigkas.
Pagdating ni Bok, agad siyang naging sentro ng tawanan matapos magpakawala ng ilang maling bersyon ng mga linya.
Bilang panibagong hamon, nagpakilala naman si Burong ng ilang tongue twister sa Ingles, kabilang ang “Ice cream, you scream, we all scream for ice cream” at “Birdie birdie in the sky.” Naghatid ito ng dagdag kasiyahan lalo na nang sabayan ito ng sayawan nina Chino, Keboy, at Clouie.
Bago matapos ang vlog, naging paksa ng ilang Team Payaman players ang pagbuo ng kani-kanilang ‘player stats’ bilang paghahanda sa Star Magic All Star Game.
Habang may mga seryosong sagot tulad ni Chris Lagudas, na nagsabing mayroon siyang “5 rebounds, 2 assists, 1 block,” ang mga sumunod naman na TP players na sina Jun Matthew Brecio, a.k.a. Matthaios, Carding Magsino, at Yow Andrada, ay nagbahagi ng mga pabirong bersyon ng stats, hindi lamang para sa sarili kundi pati na rin para sa iba pa nilang kasama.
Samantala, umani rin ng positibong komento mula sa mga manonood ang vlog, tampok ang mga biro at papuri para kay Burong at sa ilang TP players.
@itsmawie522: “Done watching. Enjoy sa edit scores! Katapusan muna!”
@@bretheartgregorio1886: “Power sa’yo, Boss Burs!”
@apollomototv: “Nanood ako ng All Star Game. Grabe talaga depensa mo, Burong! Mythical 6 ko kayo ni Nelson, Patrick, [Boss] Keng, Burong, Cong, at Dudut!”
Watch the full vlog below:
Katatawanan at unli food trip ang hatid ng mag-inang Viy Cortez-Velasquez at Zeus Emmanuel Velasquez,…
We’re just a few weeks away from the holiday season, have you planned your dazzling…
Sa bagong episode ng Makeup Sessions Season 2, tampok sa vlog ni Michelle Dy ang…
Sa ikalawang bahagi ng kaniyang ‘Spoiling Buntis’ YouTube serye, inimbitahan ng vlogger na si Zeinab…
Following the successful wave of the TEAM PYMN Cap Collection, Cong Clothing is back with…
Hindi maitago ang pagkatuwa ng Team Payaman power couple na sina Vien Iligan-Velasquez at Marlon…
This website uses cookies.