Naghatid ng good vibes ang Team Payaman next-gen vlogger na si Yiv Cortez sa kanyang Facebook reel tampok ang masasayang sandali kasama ang kanyang mga pamangkin na sina Samsam, Kidlat, at Tokyo.
Tunghayan ang mga nakakatuwang kaganapan kasama ang mga chikiting na patuloy na nagbibigay-saya sa pamilya Cortez-Velasquez.
Kamakailan, ibinahagi ng nakababatang kapatid ni Viy Cortez-Velasquez na si Yiv Cortez ang ilang kaganapan mula sa naging pagbisita nila ni Ms. Ivy Cortez-Ragos sa tahanan nila Viviys.
Sa kanyang Facebook reel, makikitang aliw na aliw ang bunsong anak ni Viy na si Baby Tokyo sa kanyang Tita Yiv habang karga siya ni Mama Acar.
Kasunod nito, nakuhanan din ang pakikipaglaro ni Kuya Kidlat kasama si Tita Ivy, kung saan napapasayaw pa siya sa kalagitnaan ng kanilang kulitan na kinaaliwan ng mga manonood.
Bukod dito, hindi rin pinalampas ni Yiv ang pagkakataong kuhanan ng litrato si Kuya Kidlat habang bibong-bibo itong humaharap sa kamera.
Samantala, umani rin ng papuri mula sa mga netizen ang mga chikiting dahil sa kanilang sigla, ngiting nakakahawa, at likas na charm na kinagigiliwan ng marami.
Leonila Morales Panelo: “Kapag ang bata talaga napuno [ng] pagmamahal nagiging ganyan. Mana sa mommy at kuya ang smile.”
Lalaine Enriquez: “Grabe talaga ang energy mo kidlat, mana ka sa mama mo. ‘Yung hindi napapagod. God bless. Super cute mo talaga kuya Kidlat.”
Fherilyn Gumban-Galano: “Ang cu-cute ng mag-kuya at pinsan.”
Kamakailan, ibinahagi ng Team Payaman vlogger na si Viy Cortez-Velasquez ang kanyang bagong vlog, na…
Isang masaya at nakakabusog na mini foodtrip vlog ang hatid ng magkakapatid na Viy Cortez-Velasquez,…
The new year is the perfect time to refresh not just your routines, but your…
Ngayong taon lamang ay ibinahagi ng former Team Payaman editor na si Carlo Santos ang…
Isang masaya at puno ng memoryang vlog ang hatid ni Viy Cortez-Velasquez at Lincoln Velasquez,…
Muling binalikan ni Cong TV ang isa sa mga nakasalamuha niya sa kanyang ‘ISTASYON’ vlog…
This website uses cookies.