AG’s Twin Sister: Alex Gonzaga’s Tries Being a Call Center Agent for a Day

Naghatid ng saya sa netizens ang content creator na si  Alex Gonzaga sa kaniyang bagong vlog matapos niyang personal na makadaumpalad ang kanyang kalook-alike na nag-viral online.

Alamin ang mga tagpo sa kanilang pagkikita at sa pagsubok ni Alex sa trabaho ng isang call center agent. 

AG’s Twin Sis

Sa bagong vlog ng aktres at vlogger na si Catherine Gonzaga-Morada, a.k.a Alex Gonzaga, ipinasilip niya ang mga tagpo sa kanyang pagbisita sa sumisikat n’yang twin sister na si Dea Shane.

Ayon kay Alex, nalaman niya ang tungkol kay Dea matapos siyang i-tag ng mga netizen sa isang TikTok video nito na umabot na sa halos 10 million views.

Sa kanilang pagkikita, aliw na aliw ang mga ka-opisina ni Dea habang nagbibiruan ang dalawa at parehong aminadong magkamukha nga sila. 

Bumati rin kay Dea ang mister ni Alex na si Mikee Morada, pati na rin ang mga magulang n’ya na sina Mommy Pinty at Daddy Bonoy.

Sa kalagitnaan ng kwentuhan, napag-alaman ng dalawa na pareho silang nakaranas ng miscarriage noong nasa ikalawang buwan pa lamang sila ng kanilang pagbubuntis. 

Matatandaang nitong Disyembre 2024, ibinahagi nina Alex at Mikee na sila ay nakaranas ng pangatlong miscarriage, ngunit nanatili silang “hopeful” na mabibiyayaan pa rin ng supling.

Bilang pasasalamat at pampalakas loob, niregaluhan ni Alex si Dea ng ilang beauty products at ng gift certificate para sa clinic ni Dra. Vicki Belo.

Alex as a Call Center Agent

Hindi rin pinalampas ni Alex ang pagkakataon na masubukan ang trabaho ni Dea — ang pagiging call center agent. 

Mula pag-apply, training, hanggang sa kanyang unang tawag — pinakita lahat ito ni Alex sa kanyang vlog para maranasan kung paano maging isang BPO employee.

Sa social media, ibinahagi ni Alex ang kanilang mga litrato kalakip ang kanyang trademark na witty caption: “Si Dea at ang misteryo ng pamilya namin.” 

Biro pa niya, “Kailangan magpaliwanag ng ama ko dahil tila ata kumakalat ang mukha naming.”

Maging ang kanyang asawa na si Mikee Morada ay hindi rin nakaligtas sa banat ni Alex. “Papiliin ko rin si Mikee if before or after Belo ang hulma na gusto niya,” pabirong dagdag pa ng aktres.

Watch the full vlog below:

Carmellie Ocampo

Recent Posts

Bring Your Family and Creativity Together This Christmas with TP Kids

The holiday season is all about creating joyful memories with family, and TP Kids has…

10 hours ago

Vien Iligan-Velasquez Shares Snippets of Mavi’s 7th Birthday Celebration

Sa bagong vlog ni Vien Iligan-Velasquez, ibinahagi niya ang emosyonal at masayang selebrasyon ng ika-pitong…

21 hours ago

Viy Cortez-Velasquez Challenges Sexbomb Girls in Kitchen Showdown

Hindi hatawan sa dance floor, kundi hatawan sa kusina ang hatid ng Team Payaman vlogger…

21 hours ago

Netizens Giggle Over Kidlat and Viela’s Cute Bonding Moments

Good vibes at ‘balls of sunshine’ kung tawagin ang magpinsan na sina Alona Viela at…

21 hours ago

Buy More, Slay More with Viyline Cosmetics’ Exclusive Holiday Lip Treat

It’s the season to be festive, and your makeup look should reflect the joy and…

21 hours ago

Ivy Cortez-Ragos Shares Easy Wais-Linis Hack with Twice Cleaner

Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ni Ivy Cortez-Ragos ang isang praktikal at wais na DIY…

2 days ago

This website uses cookies.