Kevin Hermosada Explores the Healing Side of Siquijor in His Latest Vlog

Matapos ang kanilang paglalakbay sa Bohol, muling isinama ni Kevin Hermosada ang kanyang mga manonood sa panibagong adventure kasama ang ilang kapwa Team Payaman members. 

Sa kanyang bagong vlog, tinahak ng kanilang grupo ang lalawigan ng Siquijor—isang lugar na kilala sa mga alamat at paniniwala tungkol sa kababalaghan.

The Island of Healing

Bagama’t marami ang may haka-haka tungkol sa isla ng Siquijor, mas pinili ng Team Payaman vlogger na si Kevin Hermosada at ng kanyang grupo na ituon ang pansin sa kagandahan ng kalikasan, mainit na pagtanggap ng mga lokal, at mga karanasang hindi madaling malimutan.

Ayon kay Kevin, isa sa mga pinakanagustuhan niya sa pagbibiyahe ay ang pagkakaroon ng bagong kakilala, gaya ni Sir Frank na nakausap niya tungkol sa coral planting at environmental conservation.

Kasama ang kanyang asawang si Abigail Campañano-Hermosada at ilang miyembro ng Team Payaman, binisita nila ang mga kilalang tourist spots sa isla gaya  ng Cambugahay Falls, Salagdoong Beach, at Cabugsayan Falls. 

Bukod dito, tampok din sa kanyang vlog ang sinubukan nilang “Fairy Walk” activity sa Cambugahay, na sumikat online matapos itong gawin ng aktres na si Anne Curtis-Smith.

Pagkatapos ng mga pisikal na aktibidad, naglaan ang kanilang grupo ng oras para magnilay at magpahinga sa harap ng dagat. Sa bahaging ito ng vlog, binigyang-diin ni Kevin ang kahalagahan ng ganitong mga sandali—ang tahimik na pagtanaw sa nagdaang araw at ang pagpapasalamat sa mga simpleng bagay.

Nagpatuloy ang kanilang paglalakbay sa ilang makasaysayang at cultural landmarks tulad ng Lazi Church, Balete Tree, at Mt. Bandilaan na kilala bilang isang forest reserve kung saan matatagpuan ang mga endemic species gaya ng hypsipetes siquijorensis.

Bilang pagtatapos ng kanilang pagbisita, nakilala nila ang isang lokal na healer na si Kuya Nowel. Ayon kay Kevin, sa kabila ng mga kwento ng kababalaghan na kadalasang iniuugnay sa lalawigan ng Siquijor, mas nangingibabaw ang katahimikan at kabutihang hatid nito sa mga bisita.

Netizens’ Comments

Samantala, marami sa mga tagasubaybay ni Kevin ang humanga sa makabuluhan at kakaibang istilo ng kanyang vlogging.

@patbathan: “I always feel like your vlogs are so underrated. It’s so meaningful every single time. I hope people appreciate it even more.”

@geraldlouiemeneses4127: “Trip na trip ko new concept mo sa vlogging, brodie. Having a nostalgic feels. ‘Yung documentary approach sa mga video, para akong nanonood ng Byahe ni Drew. Kudos sa’yo!”

@ErinAgtaguem: “Ganda ng mga content mo, Kevs! Hindi ako nag skip ng ads pandagdag funds niyo sa travel niyo. Ingat [kayo] always ni Abby. Maibigay na sana ‘yung matagal niyo ng prayers.”

Watch the full vlog below:

Angelica Sarte

Recent Posts

Doc Alvin Francisco Fulfills Dreams of Future Doctors Through Scholarship Initiative

Kamakailan, ibinahagi ng Team Payaman resident doctor na si Alvin John Francisco sa kanyang YouTube…

2 days ago

Alex Gonzaga-Morada Surprises Husband Mikee Morada with an Office Visit

Sa pinakabagong vlog ng Filipino actress at comedian na si Alex Gonzaga-Morada, ibinahagi niya sa…

3 days ago

Netizens Applaud Pat Velasquez-Gaspar After Sharing First Hosting Experience

Bukod sa kanyang tungkulin bilang asawa at ina, ipinakita ni Pat Velasquez-Gaspar ang kanyang skill…

3 days ago

Viyline Media Group Partners with Opulent Beauty for Team Payaman Fair 2025 in Cebu

Viyline Media Group is bringing its highly anticipated Team Payaman Fair to Cebu for the…

4 days ago

Viy Cortez-Velasquez Shares Heartwarming Bonding Moment With Daughter Tokyo Athena

Naghatid ng ngiti sa mga tagapanood ang munting sandaling ibinahagi ng Team Payaman mom na…

4 days ago

Yow Andrada Reflects on Passion, Creativity, and Finding One’s Self

Sa pinakabagong vlog ni Yow Andrada, ibinahagi niya ang kanyang mga karanasan at mga reyalisasyon…

4 days ago

This website uses cookies.