Team Payaman’s JM Macariola Reveals New Look in Cong TV’s Latest Vlog

Matapos mabiktima ng prank sa nakaraang vlog, seryoso na ngang sumailalim si Coach JM sa isang tunay na operasyon para sa kanyang rhinoplasty.

Sa panibagong vlog, tampok ang opisyal na pagpapakita ni Coach JM ng kanyang bagong hitsura bilang bahagi ng paghahanda ng Cong’s Anbilibabol Basketball Team para sa nagdaang Star Magic All Star Games 2025.

Coach JM’s Nasal Transformation

Kamakailan, matatandaang sinorpresa ng coach at Team Payaman headmaster na si Lincoln Velasquez, a.k.a. Cong TV, ang kanyang mga kasamahan sa Cong’s Anbelibabol Basketball Team ng beauty treatment mula sa Belo Medical Group, bilang paghahanda para sa kanilang laban kontra Star Magic team.

Bago ang session, isinagawa nina Cong TV ang tinawag nilang “The Belo Prank,” kung saan pinaniwala nila ang kanilang kaibigan na si JM Macariola, a.k.a. Coach JM, na agad siyang sasailalim sa isang cosmetic procedure para sa kanyang ilong.

Sa kalagitnaan ng biruan, ibinunyag nila kay Coach JM na prank lamang ito. Matapos ang rebelasyon, personal na lumapit si Dr. Hayden Kho at inialok kay Coach JM ang isang tunay na operasyon. Ayon kay Dr. Kho, seryoso siya sa alok at sinabing sagot nila ang lahat ng gastos para sa procedure.

“Seryoso ‘to, ah. Humanda ka na. Sagot namin ilong mo,” ani Dr. Kho sa vlog.

Ilang araw matapos ang prank, muling nakipag-ugnayan si Cong TV kay Dr. Hayden Kho upang kumpirmahin ang alok nitong libreng operasyon para kay Coach JM, na agad namang sinang-ayunan ng doktor.

Habang abala ang grupo ng Team Payaman sa kanilang basketball practices, itinago nina Cong TV ang totoong dahilan kung bakit hindi nagpaparamdam si Coach JM. 

Kasabwat sina Cedric Sunga a.k.a. Igme, Ephraim Abarca, at Aaron Macacua a.k.a. Burong, pinalabas nilang nagtampo si Coach JM at may iniindang sakit kaya hindi ito nakakasama sa ensayo.

Sa vlog, ipinakita rin ang pag-uusap ng TP boys tungkol sa pagkawala ni Coach JM at kung paano sila naniwala sa kwento nina Cong na nagtampo ito matapos ang prank.

Sa pagbabalik ni Coach JM, ginulat ni Cong TV ang buong Team Payaman nang ipakilala siya bilang escort ng kanilang basketball team para sa paparating na All Star Games.

Hindi napigilang humanga ng Team Payaman sa resulta ng operasyon ni Coach JM. Halos lahat sila ay nagulat at natuwa nang makita ang kanyang bagong itsura. Biro pa ng grupo, tila may panlaban na sila kay Gerald Anderson matapos ang kanyang nasal transformation.

Netizens’ Comments

Samantala, todo suporta naman ang netizens sa grupo nina Cong TV. Marami ang humanga sa pagiging entertaining ng kanilang content at sa ipinakita nilang tunay na samahan.

@daddyjhem23: “Ang galing! Every video ng Team Payaman sobrang entertaining. Solid talaga!”

@Idri-k2f: “Isang halimbawa ng tunay na pagkakaibigan ang makikita sa grupo nila Boss Cong. Hindi dahil pinaayos ang ilong ni Coach JM, kundi dahil sa reaksyon ng lahat kung gaano sila kasaya para kay JM.”

@leonardosabulao: “Iba ka talaga Mossing! Ang galing mo! Saludo ako sa’yo Mossing. Power sa’yo! Ang lupit mo mag-isip. Good luck sa game ninyo. Manalo o matalo, Team Payaman pa rin kami. Power!”

Watch the full vlog below:

Angelica Sarte

Recent Posts

All-Star Games 2025: The Rematch Between Team Anbilibabol and Team Star Magic

Nag-alab ang excitement noong Linggo, July 20, sa nagdaang Star Magic All-Star Games 2025 nang…

12 hours ago

Cong TV Reveals His Anbilibabol Team’s Official Jersey

Dahil nalalapit na ang inaabangang paghaharap ng Cong’s Anbilibabol Basketball Team at Star Magic boys,…

4 days ago

Makeup Looks We’re Stealing from Vien Iligan-Velasquez

It is no secret that Team Payaman’s Vien Iligan-Velasquez is one to look out for…

4 days ago

Viy Cortez-Velasquez Challenges Barbie Imperial to a Cook-Off

Muling nagbabalik ang Team Payaman vlogger na si Viy Cortez-Velasquez hatid ang ika-limang episode ng…

4 days ago

Viy Cortez-Velasquez Gears Up for Her Next-Level Vlog Releases

Matapos ang buwis-buhay na content sa Cebu, kaabang-abang na naman ang bagong vlogs na inihahanda…

4 days ago

Day 1 Recap: Viyline MSME Caravan Continues to Brew VIYsness at SM City Cabanatuan

After a successful run in Quezon City, the Viyline MSME Caravan officially launched its 7th…

5 days ago

This website uses cookies.