Dahil nalalapit na ang inaabangang paghaharap ng Cong’s Anbilibabol Basketball Team at Star Magic boys, puspusan na ang paghahanda ng Team Payaman.
Bukod sa pag-eensayo, kanila na ring pinaghahandaan ang basketball jersey para sa nalalapit na Star Magic All Star Games 2025.
Sa kanyang bagong vlog, hatid ng Team Payaman head coach na si Lincoln Velasquez, a.k.a Cong TV, ang pasilip sa kanilang dinidisenyong basketball jersey.
Kasama n’ya ang in-house designer ng Cong Clothing ang kapwa n’ya miyembro sa bandang COLN na si Awi Columna.
Sama-samang bumubuo ng konsepto ng kanilang magiging uniporme sina Yow Andrada, Burong, Cong, at Awi.
Request ni Coach Cong na lagyan ng mga litrato ng mga sponsor ang kanilang uniporme bilang pasasalamat sa kanilang suporta.
Una na nilang nilagay ang logo ng PEAK Sports Philippines, Royal Bee Construction Services, Mang Tomas, Mountain Dew, at Predator Philippines.
Bago pa man tuluyang matapos ang kanilang pagdidisenyo, kanilang pinanood ang naging paghahanda ng kalaban nila mula sa kabilang kampo.
Sa pangunguna ni Coach Gerald Anderson at Captain Ball na si Donny Pangilinan, naging puspusan ang training ng Team Star Magic.
Dahil hindi mapanatag si Coach Cong at ang kanyang mga players, muling sumabak sa page-ensayo ang kanilang grupo.
“Ang iniintay ko nalang ay ang araw ng pagdating ng ating pagtutuos sa’yo, Gerald. Tignan natin,” mensahe ni Coach Cong kay Coach Gerald.
Watch the full vlog below:
Sa nakaraang Christmas Party ng Team Payaman, hindi lang basta salu-salo ang naganap, nagkaroon din…
Isang kwela at full-of-adventure vlog ang hatid nina Viy Cortez-Velasquez at mister niyang si Lincoln…
Isang maagang pamasko ang hatid ng Team Payaman headmaster na si Cong TV sa isang…
The Viyline MSME Caravan officially opened its doors at SM Center San Pedro, marking the…
Kamakailan, matapang na ibinahagi ng Team Payaman vlogger na si Kevin Hermosada ang personal at…
The most wonderful time of the year is starting early! Prepare for a burst…
This website uses cookies.