Viy Cortez-Velasquez Challenges Barbie Imperial to a Cook-Off

Muling nagbabalik ang Team Payaman vlogger na si Viy Cortez-Velasquez hatid ang ika-limang episode ng kanyang Kusina Wars serye.

Sa kauna-unahang pagkakataon, nakaharap n’ya ang aktres na si Barbie Imperial na game na game na kumasa sa kanyang hamon.

BarVIY Cook Off

Sa kanyang bagong vlog, inanyayahan ng TP vlogger na si Viy Cortez-Velasquez ang kaibigan at Kapamilya aktres na si Barbie Imperial

Kwento ni Viviys, taong 2016 nang unang magkausap ang dalawa dahil naisipang i-prank ni Barbie si Viy. Binalikan din nila ang isa sa kanilang naging pag-uusap nang una silang magkita.

“Mi, para kang aparisyon!” biro ni Viy kay Barbie.

Gaya ng mga nakaraang episodes ng kanyang Kusina Wars serye, maghaharap sa kusina ang mga kahalok. Ang sinumang papasok sa panlasa ng mga hurado ang tatanghaling panalo.

Upang matukoy kung sino nga ba ang magaling pagdating sa kusina, naisip ng dalawa na magluto ng Bicol Express with a twist, na kailangan nilang matapos sa loob ng trenta minutos.

Agad na nagsimula sina Barbie at Viy. Kaliwa’t kanan din ang kwentuhan at kulitan ng dalawa habang nagluluto.

And The Winner Is…

Matapos ang hamon ng pagluluto, agad na pumasok ang mga hurado na sina Dudut Lang, Steve Wijayawickrama, Yow Andrada, Mentos, at Kuya Terio.

Masinsinang tinikman ng mga hurado ang luto ng dalawa nang walang kaalam-alam kung alin ba ang kay Barbie at Viviys.

Kanilang siniyasat ang amoy, histura at panlasa ng mga inihandang Bicol Express ng mga kalahok at ayon sa kanila, mas nangibabaw ang gawa ni Barbie.

“Napatunayang na kay Barbie na ang lahat ‘day!” biro ni Viy.

Watch the full vlog below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Cong TV Brings Holiday Joy Through Special Home Giveaways with Team Payaman

Isang maagang pamasko ang hatid ng Team Payaman headmaster na si Cong TV sa isang…

2 days ago

Day 1 Recap: Viyline MSME Caravan Celebrates Its 11th Leg this 2025 at SM Center San Pedro

The Viyline MSME Caravan officially opened its doors at SM Center San Pedro, marking the…

3 days ago

Team Payaman’s Kevin Hermosada Opens Up About His Ear Surgery in Latest Vlog

Kamakailan, matapang na ibinahagi ng Team Payaman vlogger na si Kevin Hermosada ang personal at…

4 days ago

Viyline MSME Caravan Brings Festive Fun to SM Center San Pedro

​ The most wonderful time of the year is starting early! Prepare for a burst…

5 days ago

Team Payaman and Team Harabas Go Night Dive Spear Fishing in Occidental Mindoro

Isang kakaibang biyahe ang hatid ng Team Payaman vlogger na si Boss Keng sa kanyang…

5 days ago

Clouie Dims and Pat Pabingwit Take On the ‘One Shot, One Makeup’ Challenge

Mas naging masaya at mas makulit ang bagong vlog ni Clouie Dims matapos niyang makasama…

6 days ago

This website uses cookies.