Viy Cortez-Velasquez Gears Up for Her Next-Level Vlog Releases

Matapos ang buwis-buhay na content sa Cebu, kaabang-abang na naman ang bagong vlogs na inihahanda ng Team Payaman vlogger na si Viy Cortez-Velasquez.

Sa kabila ng pagiging abala bilang mom of two at negosyante, pinatutunayan muli ni Viviys ang kaniyang dedikasyon sa paggawa ng de-kalidad na content para sa kaniyang mga tagasuporta.

BTS of Vlog Preparation

Kamakailan, ibinahagi ni Viy Cortez-Velasquez sa kaniyang Facebook post ang isang behind-the-scene update kung saan makikitang tuloy-tuloy pa rin ang planning sessions ng kanyang team kahit dis-oras na ng gabi.

Sa naturang update, mas lalo pang tumindi ang interes ng kanyang mga tagasuporta na malaman kung ano ang bagong konseptong inihahanda ng sikat na content creator.

Isa sa mga bahagi ng paghahanda ni Viy para sa kanyang vlog ay ang pakikipagtulungan niya kay Ms. Princess Anne Ramos ng Events by Miss P, isang event planner na kilala sa paghawak ng mga high-profile events at productions. 

Sa hiwalay na Facebook post, makikita ang isang pasilip mula sa kanilang virtual meeting. 

Ayon kay Ms. Ramos, mas elevated at talagang pinag-isipan ang mga paparating na vlog projects ni Viviys. Pinuri rin niya ang pagiging hands-on ni Viy sa bawat detalye ng preparasyon at nagpasalamat sa patuloy na tiwala ng vlogger sa kanilang team.

“Muntik na kong hindi makita. Grabe ka, Viy Cortez-Velasquez. Elevated talaga ang gusto mo sa next vlogs! Galing-galing palagi ng concept! Congratulations in advance, grabe sipag mo! And thank you so much for always trusting Events by Miss P. Love you!” ani Ms. Ramos sa kanyang post.

Bagamat wala pang eksaktong detalye kung tungkol saan ang mga bagong vlog, tiniyak ng Team Viy na siguradong kaabang-abang ito.

Netizens’ Comments

Samantala, inulan ng komento mula sa kanyang mga tagasuporta ang post ni Viy, bilang pagpapakita ng kanilang suporta at excitement sa mga paparating niyang vlog.

Jasmine Nato Santos: “Wow! Locar is back!”

Rose Ilagan: “Go, Mima! Support as always sa mga vlog mo.”

Jolina Villanueva: “Nakakakaba na talaga mga content mo, Ma’am Viy.”

GerLyn Tagle Cabate: “Waiting po, Ms. Viy.”

Angelica Sarte

Recent Posts

Viy Cortez-Velasquez Turns Japan Trip Into a Special Experience for Ate Mina

Isang simpleng family trip sa Japan ang naging pagkakataon ng Team Payaman mom na si…

23 hours ago

MassKarambulan: Team Payaman Wild Dogs Take Over Bacolod with Mountain Dew

Isang masayang pagbabalik-tanaw sa kabataan at mga kwentong puno ng tawanan ang hatid ng bagong…

23 hours ago

Dudut Lang Exposes the Truth Behind His 11-Year Relationship and Team Payaman on ‘Galit-Galitan Podcast’!

Mas pinainit ang pinakabagong episode ng Galit-Galitan Podcast ng social media personality na si JB…

1 day ago

Cong TV and Junnie Boy Share Fatherhood Advice with Kevin Hermosada

Bago isalang ang kanyang Baby Austin, sumangguni ang soon-to-be daddy na si Kevin Hermosada kina…

3 days ago

REVERSE SURPRISE: Team Payaman Wild Dogs Surprise Dudut Lang with an Unexpected Guest

Isang hindi inaasahang surprise guest ang bumulaga sa Team Payaman member na si Dudut Lang…

5 days ago

Rolling Into the Spotlight: How Viyline’s Mobile Billboard Builds Excitement for Team Payaman Fair 2026

As Viyline and Team Payaman Fair 2026: VIYond the Beat take the spotlight, a moving…

5 days ago

This website uses cookies.