Bukod sa paglalaro ng basketball at online games, isa na rin ang pickleball sa mga sinusubukang laruin ng Team Payaman member na si Junnie Boy.
Tunghayan ang unti-unting pagkahumaling ni Junnie Boy nasabing laro at kung sino nga ba sa Team Payaman ang mabangis sa paglalaro nito?
Sa bagong vlog ni Marlon Velasquez Jr., a.k.a Junnie Boy, isang pasilip sa paglalaro ng pickleball ang kanyang ibinahagi.
Bukod sa kanya, sina Jaime Marino de Guzman, a.k.a Dudut Lang, Aaron Macacua, a.k.a Burong, at Steve Wijayawickrama ay nahuhumaling na rin sa paglalaro nito.
Biruan nila, mas malakas ang isa kumpara sa iba nilang mga kapwa TP member na naglalaro ng pickleball.
Upang mapatunayan kung sino nga ba kina Junnie, Dudut, Burong, at Steve ang may taglay na bangis sa paglalaro, sumalang ang mga ito sa isang open play.
Nagtungo ang grupo nina Junnie sa The Pickle Yar Parañaque upang magka-alaman kung sino nga ba ang magaling sa larangan ng pickleball.
Kasama rin nila ang asawa ni Junnie na si Vien Iligan-Velasquez na nahumaling na rin sa paglalaro ng nasabing sport.
Tuloy-tuloy naman sa pagpalo at pagsalo ang grupo nina Junnie. Kanilang sinikap na mapatunayan na sila nga ay magaling sa paglalaro ng pickleball.
Kakampi niya ang kapwa TP member na si Dudut, habang sina Steve at Burong naman ang kanilang kalaban sa kabilang court.
Mas uminit ang laban nang magtagpo ang mga puntos ng dalawang grupo. Ngunit sa huli, nanalo ang tambalang Steve at Burong.
Watch the full vlog below:
It’s confirmed — the third wave of the well-loved Team PYMN Cap from Cong Clothing…
A month ago, Cong TV’s very own clothing brand, Cong Clothing, released its newest shirt…
Kamakailan lang ay lumipad pa Bohol at Siquijor ang ilang Team Payaman members para sa…
Looking for a drink that brings the fun without the alcohol? Novellino x Team Payaman…
Isa na namang buwis-buhay content ang hatid ng Team Payaman vlogger na si Viy Cortez-Velasquez.…
Sa pinakabagong vlog ni Zeinab Harake-Parks, muling nasilayan ng publiko ang mas personal at mas…
This website uses cookies.