Kamakailan lang ay lumipad pa Bohol at Siquijor ang ilang Team Payaman members para sa kanilang well-deserved getaway.
Bukod sa kanilang fun experience, isa ang kanilang mga pasabog na Instagram photos sa talaga namang kinagiliwan ng netizens.
Kung hanap mo ay Instagrammable na beach photo inspiration, sagot na ni Clouie Dims ‘yan!
Marami ang humanga nang masilayan ang kanyang sunset beach photo suot ang kanyang mermaid-inspired OOTD.
Hindi nagpahuli ang TikTok skit queen ng Team Payaman na si Kevin Hufana sa kanyang dramatic at aesthetic instagram poses.
Sa kanyang Instagram post, nagbahagi siya ng dalawang bersyon ng kanyang dramatic pose na talaga namang ikinatuwa ng kanyang mga followers.
Kasabay rin nya ang kapwa TP member na si Chino Liu, a.k.a Tita Krissy Achino, sa pagsagawa ng pasabog at dramatic na Instagram poses, na kanya ring ibinahagi sa kanyang post.
Bilang parte ng selebrasyon ng kaarawan ng executive manager ng Team Iligan-Velasquez na si Eve Marie Castro, isang jolly beach pic ang kanyang ibinahagi online.
“Feeling so grateful for everything! I know I’m not perfect, but I always strive to be the best version of myself. Thank you to everyone who greeted me and remembered my special day , love you all!” ani Eve sa kanyang post.
Kung ang ilang Team Payaman members ay may pasabog na Instagram photos, hindi naman nagpahuli si Mau Anlacan sa kanyang pangmalakasang drone shot.
Sa kanyang recently-uploaded IG reel, kanyang ipinasilip ang ganda ng Siquijor habang game na game na nagpo-posing sa harap ng drone camera.
“Siquijor’s beauty is truly magical. Thank you so much Gotmarked Tours and Kuya Raymond for making our trip smooth and unforgettable!” saad ni Mau.
Bago tuluyang matapos ang kanilang Visayas trip, hindi pwedeng mawala ang travel groufie entry ng ilang TP members.
Masayang ibinahagi nina Abigail Campañano-Hermosada at Kevin Hufana ang ilan sa kanilang mga larawan sa gitna ng kanilang bakasyon.
Ano ang inyong favorite TP beach pose mga Kapitbahay? Ibahagi na ‘yan!
Kamakailan, ibinahagi ng Team Payaman vlogger na si Viy Cortez-Velasquez ang kanyang bagong vlog, na…
Isang masaya at nakakabusog na mini foodtrip vlog ang hatid ng magkakapatid na Viy Cortez-Velasquez,…
The new year is the perfect time to refresh not just your routines, but your…
Ngayong taon lamang ay ibinahagi ng former Team Payaman editor na si Carlo Santos ang…
Isang masaya at puno ng memoryang vlog ang hatid ni Viy Cortez-Velasquez at Lincoln Velasquez,…
Muling binalikan ni Cong TV ang isa sa mga nakasalamuha niya sa kanyang ‘ISTASYON’ vlog…
This website uses cookies.