Alex Gonzaga Marks 7th YouTube Anniversary with Balik-Eskwela Program

Matapos hindi makapagdiwang ng kanyang ika-pitong taon sa YouTube, naisip ng actress at YouTube vlogger na si Alex Gonzaga na gawing makabuluhan ang selebrasyon sa pamamagitan ng pagtulong sa mga estudyante.

Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi niya ang personal na inisyatibo na mamigay ng school supplies sa mga kabataang magbabalik-eskwela ngayong taon.

Balik-Eskwela Program

Sa unang bahagi ng vlog, muling bumisita sa Divisoria si Catherine Gonzaga-Morada, a.k.a. Alex Gonzaga, upang personal na mamili ng school supplies na kanyang ipapamahagi sa mga batang estudyante sa Lipa City, Batangas.

Kasama ang kanyang team at ang staff ng kanyang asawang si Vice Mayor Mikee Morada, sinigurado nilang maayos ang kalidad ng bawat gamit tulad notebooks, crayons, lapis, pad paper, sharpeners at transparent envelopes na ilalagay sa bawat school bag.

Matapos ang pamimili, ipinakita ni Alex kung paano nila inimpake ang mga gamit pang-eskwela sa kanilang tahanan upang masigurong maayos at pantay-pantay ang pamamahagi para sa mga bata.

Bukod sa school supplies, naging katuwang din ni Alex ang Oishi na nagpadala ng healthy snacks para sa mga bata. Ayon kay Alex, mahalaga rin na may baong meryenda ang mga estudyante upang mas ganahan silang pumasok at mag-aral.

Sa ilalim ng programang “Balik Eskwela,” personal na pinuntahan ni Alex ang ilang barangay sa Lipa City, Batangas, upang ipamahagi ang 2,100 school kits para sa mga mag-aaral mula Grade 1 hanggang Grade 6.

Sa kanyang mensahe, hinikayat niya ang mga bata na huwag titigil sa pag-aaral at patuloy na magsikap hanggang makatapos. Nagpasalamat rin si Alex sa mga guro, principal, at sa mga magulang na pinayagang makibahagi ang kanilang mga anak.

Sa pagtatapos ng vlog, taos-pusong pasasalamat ang ipinaabot ni Alex sa kanyang mga tagasuporta. Ayon sa kanya, kung hindi dahil sa kanilang panonood, suporta, at pagtangkilik sa kanyang content, hindi magiging posible ang ganitong uri ng proyekto.

“Sobrang happy kong ibahagi sa inyo na meron tayong mga batang napasaya at nabigyan ng pag-asa para mas mag-aral ng mabuti. Maraming maraming salamat dahil sa inyo kaya tayo nakakapagbigay ng tulong,” ani Alex sa kanyang vlog.

Netizens’ Comments

Samantala, maraming netizens ang humanga sa taos-pusong pagtulong ni Alex, na para sa ilan ay isang inspirasyong nagpapakita ng tunay na malasakit sa kapwa.

@Precy-n5k: “She did not even claim na sariling pera ang ginamit niya—bagkus sinabi niya na ang netizens ang tumulong para magawa ang purpose niya, which is tumulong. You will always be blessed.”

@enricovaldecantosabad8866: “I am deeply touched by your act of kindness. You inspired us by your genuine intention of sharing the blessings to the children. May you be blessed more… a thousandfold. You are an angel in your own simple way. God bless.”

@jpinoyvlog: “This is one of the most touching vlogs Alex Gonzaga has ever done. Walang iyakan, pero nakakatouch kasi halatang bukal sa puso ang pagtulong.”

Watch the full vlog below:

Angelica Sarte

Recent Posts

Viyline Print and TP Kids Bring Fun and Creativity to Kidlat’s 3rd Birthday Party

Kidlat’s third birthday celebration was nothing short of magical! With a Spiderman-themed setup, the event…

1 day ago

Netizens’ Touching Reactions On Kidlat and Tokyo’s Back-to-Back Celebrations

Noong Hulyo 5, isang espesyal na araw ang ipinagdiwang nina Viy Cortez-Velasquez at Cong TV…

2 days ago

Here’s What Went Down at Kidlat’s Epic Birthday Party

And just like that, Kidlat’s third birthday celebration is over, but the feels of #KidlatMarvelousWorld…

3 days ago

Meet the Creative Minds Behind Kidlat’s Birthday Celebration

And just like that, Viy Cortez-Velasquez and Cong TV’s very own Kidlat is now entering…

3 days ago

VIYrthday Sale: A Month-Long Celebration of Exclusive Deals from Viy Cortez-Velasquez

Get ready for the biggest sale of the year! This July, the Viyline Group of…

4 days ago

Perfect Rainy Day Coords Fit Ideas from Ivy’s Feminity

We are now halfway through the year, and entering the mid-year definitely comes with the…

4 days ago

This website uses cookies.