Vien Iligan-Velasquez and Junnie Boy Explore Pilates and Pickleball Together

Muling naghatid ng good vibes at inspirasyon ang Team Payaman vlogger na si Vien Iligan-Velasquez sa kanyang latest vlog, kasama ang asawa niyang si Junnie Boy.

Tampok dito ang iba’t ibang aktibidad na may kinalaman sa physical fitness, bonding moments, at mga bagong sports na kanilang sinubukan.

A Step Toward Wellness

Sa kabila ng pagiging abala bilang magulang at content creators, sinikap ng mag-asawang Vien Iligan-Velasquez at Marlon Velasquez Jr., a.k.a. Junnie Boy na bigyang-halaga ang kanilang pisikal at mental na kalusugan.

Unang sinubukan nina Vien at Junnie Boy ang Pilates, kung saan ibinahagi nila ang mga benepisyo nito para sa katawan at isip.

Bukod sa core strengthening at flexibility, binigyang-diin ni Vien ang mga epekto nitong gaya ng better posture, injury prevention, at stress reduction.

Ibinahagi rin ni Junnie Boy ang personal na dahilan ng pagsali—bilang alternatibo sa gym na dati niyang tinigil dahil sa paulit-ulit na shoulder dislocation.

Sunod naman nilang sinubukan ang Pickleball sa The Pickle Yard sa Parañaque. Bagama’t baguhan, game na game si Vien na matuto ng bagong sport.

Ayon kay Vien, wala talaga siyang athletic background kaya malaking bagay para sa kanya ang sumubok ng mga ganitong aktibidad—bilang magandang halimbawa na rin para sa kanilang mga anak.

“Kaya nga ‘yung mga anak ko, tinatry ko talaga na magkaroon sila ng sports o ipakilala sa kanila kung ano ang sports. Tulad niyan, sina Mavi at Viela, swimming. Si Mommy, wala,” kwento ni Vien sa kanyang vlog.

Sa tulong ng kanilang coach at sa suporta ni Junnie Boy, unti-unti siyang nasanay sa laro, kahit pa inamin niyang nahirapan siya sa simula.

Sa huli, nakalaro rin nila ang ilang kaibigan mula Team Payaman na sina Clouie Dims, Aaron Macacua, a.k.a. Burong, at JM Macariola. Sa kabila ng pagiging baguhan, nagpatuloy si Vien sa pag-eensayo at ipinakita ang kanyang dedikasyon sa pagkatuto.

Netizens’ Comments

Samantala, umani ng positibong komento ang bagong vlog ni Vien mula sa netizens. Marami ang natuwa sa pagbabalik niya sa dating estilo ng content at sa natural na chemistry nila ni Junnie Boy.

@MadamS-t7d: “Binabalik ni Vien ‘yung mga dating vlog nya na usual, aw. I love it, Vien. So wholesome.”

@nalazobelle6715: “Grabe yung compliments ni Junnie, kumbaga walang pagkukulang sa assurance at may kasama pang biruan. My favorite couple.”

@itsmehobi: “Health is wealth nga naman. So, be productive raw sabi ng Iligan-Velasquez fam.”

Watch the full vlog below:

Angelica Sarte

Recent Posts

Aaron Macacua Explores Ugbo Street Food with Team Payaman

Isang masayang food trip ang hatid ng Team Payaman vlogger na si Burong sa kanyang…

11 hours ago

Recipes You Can Do At Home With Carabao’s Milk According to Dudut Lang

Bilang patunay ng husay sa kusina, muling naghatid ng masasarap at kakaibang putahe si Jaime…

15 hours ago

OPM Artist Matthaios Drops New Single, ‘Kuntento’

Patuloy na ipinapakita ni Matthaios ang kanyang kakayahan bilang singer-songwriter at record producer sa paglabas…

4 days ago

Day 1 Recap: Viyline MSME Caravan Kicks Off a Flavorful Start at SM City Masinag

Christmas may still be months away, but the holiday spirit has already arrived in Antipolo…

5 days ago

Mommy Viy Cortez-Velasquez and Kidlat Go on a Fun Food Trip Bonding

Hindi lang tiyan ng Team Payaman mother-and-son duo na sina Viy Cortez-Velasquez at Kidlat ang…

5 days ago

Viy Cortez-Velasquez Brings Laughter in New ‘Sugod Nanay Gang’ Series

Bagong YouTube series ang hatid ng Team Payaman PAAWER vlogger na si Viy Cortez-Velasquez matapos…

5 days ago

This website uses cookies.