Harake-Parks Family ‎Enjoy Bonding Time After Grand Wedding

Matapos ang engrandeng kasalan nina Zeinab Harake Parks at Ray Parks, isang masaya at adventurous na camping trip ang sorpresa ng newly-wed couple upang makabawi sa mga sandaling nalayo sa kanilang mga anak na sina Kuya Lukas at Bia.

Tunghayan ang mga tagpo sa kauna-unahang bonding moment ng Team Harake-Parks na talagang pumukaw sa puso ng mga manonood.

Camping Trip

Sa kanyang bagong vlog, isinama ni Zeinab Harake-Parks ang mga manonood sa kanilang out-of-town adventure.

‎”Guys, we are going camping! Sobrang excited kami,” ani Ray. “First time naming mailalabas ang mga bata after the wedding. Wedding planning is not easy— grabe ‘yon! Now, we have time… time with kids talaga. Overnight lang.” 

Hindi maitago ang excitement sa tinig ni Daddy Ray habang ikinukwento ang kanilang planong mag-bonding bilang official family. 

‎Ramdam na ramdam ang kanilang pananabik to make new memories, lalo na matapos ang ilang buwang pagtutok sa mga detalye ng kanilang grand wedding.

‎Sa nasabing vlog, talaga namang mas kahanga-hanga ang ipinakita ng pamilyang Parks dahil sa kanilang nakakaantig na samahan at matibay na pagkakabuklod. 

Si Daddy Ray ang perpektong halimbawa ng isang ama na puno ng pagmamahal at pag-aalaga habang si Mommy Zeinab naman ay isang glowing sunshine at joyful mom. 

Si Kuya Lukas ay lumalaking mapagmahal na kuya na unti-unting nagiging katuwang ng kanyang mga magulang, at si Bia naman ang matamis na bunso na laging nagbibigay ng ngiti sa mga kasama.

Dream Family

‎Nakakaagaw-pansin sa kanilang vlog ang isang tunay na masayang pamilya at talaga namang matuturing na ‘dream family’ sa mga tagasubaybay.

‎Habang patungo sa camping site, nagkaroon sila ng masiglang kantahan sa loob ng sasakyan, na lalong nagpakita ng kanilang pagmamahalan at tamis sa isa’t isa. 

‎Sa mga simpleng tawanan at biruan habang nagmamaneho, kitang-kita ang natural at walang pilit na koneksyon ng mag-asawa at ang kanilang pagiging malapit sa mga bata.‎

‎Para sa marami, ang mga ganitong sandali ang tunay na kayamanan – ang pagkakaisa at paggawa ng mga simpleng bagay na nagbibigay ng labis na kaligayahan.

‎‎Iba’t ibang tagpo ang ibinahagi ng TP Friend vlogger sa kanilang vlog, kabilang na ang pagmamaneho ng golf cart at ATV sa gitna ng luntiang tanawin, paglilibot sa nature-filled camp site na nagbigay sa kanila ng sariwang hangin at kapayapaan.

‎Siyempre, hindi kumpleto ang camping trip kung walang masarap na pagkain, kaya nagkaroon sila ng isang nakakapuno na food trip na puno ng iba’t ibang putahe.

‎Ang family bonding ay naging sentro ng kanilang adventure, na sinundan ng isang mainit at nakakaaliw na campfire kung saan nagkwentuhan sila at nagbahagi ng mga alaala sa ilalim ng maliwanag na buwan. 

Hindi rin nawala ang masarap na swimming sa malamig na tubig, na nagbigay ng ginhawa sa init ng araw. Ang bawat aktibidad lalong nagpatibay ng kanilang relasyon bilang pamilya, malayo sa ingay at gulo ng siyudad.

‎‎Isang mapayapa at refreshing trip ang inenjoy ng Parks Family sa segment na ito. Matapos ang abalang okasyon ng kasalan na puno ng mga bisita at aktibidad, lubos na sinulit ngayon ng pamilya ang kanilang pribadong sandali at panahon para sa isa’t isa. 

Watch the full vlog below:

Angel Asay

Recent Posts

Cong TV Reunites with a Familiar Face from ‘ISTASYON’ to Spice Up an Ad Jingle

Muling binalikan ni Cong TV ang isa sa mga nakasalamuha niya sa kanyang ‘ISTASYON’ vlog…

18 hours ago

Netizens Applaud Cong TV’s Simple Yet Memorable Bonding with Kidlat

Muling kinaaliwan ang father-and-son duo na sina Cong TV at Kidlat matapos nilang ibahagi ang…

4 days ago

Dudut Lang Launches First-Ever ‘Dudut’s Kitchen Awards’

Tuloy-tuloy ang pagpapakitang-gilas ng resident chef ng Team Payaman na si Jaime Marino De Guzman,…

5 days ago

Vien Iligan-Velasquez Shares Family’s Intimate New Year’s Eve Celebration

Matapos ang pasko, bagong taon naman ang sunod na ipinagdiwang ng pamilya Iligan-Velasquez sa loob…

5 days ago

Junnie Boy Embraces Daddy Duties and Family Life in Latest Vlog

Sa paglipat ng pamilya Iligan-Velasquez sa kanilang bagong tahanan, ibinahagi ng Team Payaman vlogger na…

5 days ago

Viy Cortez-Velasquez and Tita Krissy Achino Face Zeinab Harake-Park’s ‘Don’t Flinch’ Challenge

Isang pasabog ang dala ni Zeinab Harake-Parks sa kaniyang recent YouTube vlog kung saan hinamon…

6 days ago

This website uses cookies.