Cong’s Anbilibabol Team, Attempts Glow Up For All-Star Rematch vs Star Magic

Bago pa man muling tumapak sa court para sa highly-anticipated rematch kontra Star Magic team, ibang klaseng training muna ang pinagdaanan ng Cong’s Anbilibabol Basketball Team sa bagong upload na vlog ni Cong TV. 

Sa unang bahagi ng vlog, ramdam na agad ang pangamba kung paano nga ba lalabanan ang powerhouse team nina Donny Pangilinan, lalo na’t si Gerald Anderson na mismo ang coach this year? 

Anbilibabol Team’s Surprise Belo Visit

Dahil sa nalalapit na Star Magic All Star Games, puspusan na ang paghahanda ng Cong’s Anbelibabol Basketball Team para sa kanilang laban kontra sa grupo nina Donny Pangilinan at Gerald Anderson.

Mula sa kanilang basketball skills hanggang sa kanilang overall look, tinutukan ito ng kanilang coach at Team Payaman headmaster na si Lincoln Velasquez, a.k.a Cong TV.

Hindi lang skills ang issue kung hindi pati porma, naging usapan. Napansin din ni Cong ang “monotonous” na outfit ng team, lalo na sa pictorial na kanilang isinagawa  para sa Star Magic. 

“Pare-pareho kayo! Walang standout,” puna niya habang nagtatawanan ang bawat isa. Sa shooting practice naman, laganap ang mintis. “Lay up na lang, sablay pa!” At pati kakampi, nababantayan—classic Anbilibabol chaos!

Pero ang tunay na surpresa? Matapos ang kulitan, pictorial, at drills, biglang lumihis ang tropa mula court papunta sa kilalang aesthetic clinic — ang Belo Medical Group.

Personal na nakaharap ng grupo ng Team Payaman ang mag-asawang Dra. Vicky Belo at Dr. Hayden Kho bitbit ang kanilang mga nais ipagawa sa mga ito. 

“Velo muna bago bola,” pambungad ni Cong nang isa-isang ipakilala ang kanyang players sa power duo na sina Dr. Vicki Belo at Dr. Hayden Kho. 

Walang kaalam-alam ang kapwa TP members ni Cong sa kanyang hatid na surpresang glow up para sa mga kasamahan.

Anbilibabol Makeover

Bago ang inaasam na makeover ng Team Payaman, nagawa pang lokohin nina Cong si Coach JM patungkol sa pag-oopera ng kanyang ilong.

After the prank, isa-isa na silang sumalang sa treatments. Pagpapa-facial, cleaning, at paglalagay ng fillers ang ilan sa mga prosesong kanilang isinagawa sa ilang TP boys bago ang inaasahang big rematch. 

Bukod sa ultimate glow-up, ibinida rin ni Cong ang #ScarProject ng Belo, isang adbokasiya na kung saan ang mga mapipiling inspirational stories patungkol sa kanilang mga peklat sa mukha ay mabibigyan ng pagkakataong maisagawa ang facial scar treatment nang libre!

Watch the full vlog below: 

Carmellie Ocampo

Recent Posts

Viyline and SMX Join Forces for TP Kids Fair and Team Payaman Fair 2026

The Viyline Group of Companies (VGC) is officially ready for a huge 2026. In a…

12 hours ago

Team Payaman’s Kevin Hermosada Drops New Single, ‘Disney’

Kamakailan, opisyal nang inilabas ng singer-songwriter at content creator na si Kevin Hermosada ang kanyang…

23 hours ago

Pat Velasquez-Gaspar Explores Ocean Park Hong Kong’s Sanrio Activation

Isang masaya at hindi malilimutang Ocean Park Hong Kong experience ang hatid ni Pat Velasquez-Gaspar.…

3 days ago

Dudut Lang Shares an Easy French Toast Grilled Cheese Recipe

Muling nagbahagi ng isang simple ngunit makabagong recipe ang Team Payaman cook na si Jaime…

3 days ago

Team Payaman Editors Begin a Shared Journey in Their New Home

Mula sa pagiging kasamahan sa trabaho, ngayon ay magkakasama na sa iisang tirahan ang ilang…

3 days ago

CONTENT WARS: Junnie Boy Teams Up With Burong and Bok Against Boss Keng

Matapos ang unang yugto ng content wars nina Junnie Boy at Boss Keng, isang plano…

4 days ago

This website uses cookies.