Team Payaman’s Steve and Burong Take On Dudut’s Caldereta Cookbook Challenge

Mapagtagumpayan na nga kaya ng Team Payaman Wild Dogs ang ‘Cookbook challenge’ ng Dudut’s Kitchen?

Alamin kung paano nasubukan nang husto ang kakayahan sa kusina nina Steve at Burong sa ikalawang kabanata ng ‘Can a cookbook teach my friend how to cook’ serye ni Dudut Lang sa kanyang YouTube channel. 

Cookbook Caldereta Tornado

Matapos ang pilot episode kasama ang mga first-time cooks na sina Genggeng at Igme, inimbitahan naman ni Jaime Marino de Guzman, a.k.a Dudut Lang, ang kapwa Team Payaman members na sina Aaron Macacua, a.k.a Burong, at Steve Wijayawickrama upang masubok ang kanilang galing sa kusina.

Upang mapagtagumpayan ang hamon at maiuwi ng PHP5,000 na premyo, kailangan lamang masundan ng mga kalahok ang cookbook ni Ninong Ry at makapaghanda ng putaheng papasa sa panlasa ni Dudut. 

Gamit ang tatlong daliri ni Dudut, bumunot ang mga kalahok ng antas ng hirap ng kanilang putahe. Ang kinalabasan nito ay ‘Medium level’ na katumbas ng pagluluto ng Caldereta sa loob lamang ng isang oras.

Upang mas maging epektibo ang kanilang tandem, napagdesisyunan nilang na maging ‘Head Chef’ si Burong at  ‘Assistant’ naman si Steve 

Mula sa paghahanda ng mga sangkap, sa umpisa pa lamang ay pinaubaya na agad nila ang tatlong tsansa ng pagtulong ni Dudut sa pamamagitan ng pagpapahiwa ng mga sangkap. 

Nautukan ako ng mga ‘to, ginamit ako nang maige,” pahayag ni Dudut habang isinasagawa ang tulong #1.

Makalampas ang 30 minuto, 15 minuto, at 10 minuto ay naging kapansin-pansin ang epekto ng hindi nila pagsunod sa cookbook kung kaya kinailangan nilang habulin ang lasa ng nilulutong Caldereta.

What’s important is the taste. Today, we are in the free style edition of Ninong Ry’s cookbook,” pahayag ni Burong habang pilit na isinasalba ang kanilang putahe.

It’s now edible. Not the best, but edible,” saad naman ni Steve.

Lessons Learned

Matapos ang lagpas isang oras ng pagluluto ay panahon na upang husgahan ni Chef Dudut ang Cookbook Caldereta na inihanda nina Steve at Burong.

Para kay Dudut, datapwa’t masarap, creamy, at rich texture ang kinalabasan ng kanilang putahe, may malaking epekto sa kaniyang desisyon ang kakulangan sa sapat na pagpapalambot sa ginamit na karne.

Sorry to say, I will not pay for this meal. Malaking factor talaga ‘yung karne. Pero ang pinakamahalaga dun ay nag-enjoy kayo sa pag-aaral ng pagluluto,”  ani Dudut.

Sa kabila ng pagkabigo sa cooking challenge, ibinahagi na lang ng duo ang kanilang mga natutuhan sa masayang karanasan na ito. 

We enjoyed cooking. Something that we learned from Ninong Ry is never be afraid to experiment. In this channel, we became a better duo,” pagsisiwalat ni Burong. 

And we will bring this to the outside world. Thank you,” dagdag pa ni Steve.

Ang pinakamasayang bagay dito ang matuto at mahalin ang pagluluto. Hindi ‘yung limang libo na mukha kang pera ka,” pabirong pagtatapos naman ni Dudut. 

Watch the full vlog below:

Alex Buendia

Recent Posts

Viy Cortez-Velasquez and Cong TV Take On Full-Time Parenting for a Day

Isang masaya at puno ng memoryang vlog ang hatid ni Viy Cortez-Velasquez at Lincoln Velasquez,…

7 hours ago

Cong TV Reunites with a Familiar Face from ‘ISTASYON’ to Spice Up an Ad Jingle

Muling binalikan ni Cong TV ang isa sa mga nakasalamuha niya sa kanyang ‘ISTASYON’ vlog…

1 day ago

Netizens Applaud Cong TV’s Simple Yet Memorable Bonding with Kidlat

Muling kinaaliwan ang father-and-son duo na sina Cong TV at Kidlat matapos nilang ibahagi ang…

4 days ago

Dudut Lang Launches First-Ever ‘Dudut’s Kitchen Awards’

Tuloy-tuloy ang pagpapakitang-gilas ng resident chef ng Team Payaman na si Jaime Marino De Guzman,…

5 days ago

Vien Iligan-Velasquez Shares Family’s Intimate New Year’s Eve Celebration

Matapos ang pasko, bagong taon naman ang sunod na ipinagdiwang ng pamilya Iligan-Velasquez sa loob…

5 days ago

Junnie Boy Embraces Daddy Duties and Family Life in Latest Vlog

Sa paglipat ng pamilya Iligan-Velasquez sa kanilang bagong tahanan, ibinahagi ng Team Payaman vlogger na…

5 days ago

This website uses cookies.