Isang simpleng pamumuhay ngunit payapa—iyan ang araw-araw na buhay ngayon ng ama ng namayapang content creator na si Emman Nimedez.
Alamin ang reyalidad ng pagiging isang tricycle driver, na taas noong ibinida ni Daddy Louie.
Si Daddy Louie Nimedez, ama ng yumaong Team Payaman vlogger na si Emman Nimedez, ay muling nagbahagi ng isang makabuluhang kwento sa kanyang bagong vlog. Ibinahagi niya ang kanyang kasalukuyang pamumuhay bilang isang tricycle driver.
Sa simula ng vlog, ipinakita niya ang takbo ng kanyang pang-araw-araw na byahe: mula sa pagpasada, pakikipagkwentuhan sa mga kapwa drayber, hanggang sa kanilang pila habang naghihintay ng pasahero.
Ipinakita ni Daddy Louie ang kadalasang ginagawa niya pagkatapos ng byahe, kabilang na rito ang paglilinis ng kanyang tricycle, at muling pagsabak sa byahe.
Bukod sa pagpapasilip ng knayang buhay bilang isang tricycle driver, nagbahagi rin s’ya ng ilang mga tagpo sa nagdaang selebrasyon ng araw ng mga ama.
Bilang isang ama, hindi rin mawawala ang simpleng selebrasyon para ipakita kung gaano sila kahalaga, kaya naman mula sa labas ng trabaho hanggang pag-uwi ay nagkaroon sila ng simpleng pagsasalu-salo.
Bilang pagkilala sa kanyang mga kapwa ama, naghanda ng munting sorpresa ang ilang mga volunteer workers bilang pagpupugay sa mga haligi ng tahanan.
Sa kanyang pag-uwi naman, isang simple ngunit masayang kainan ang naghihintay sa kaniya kasama ang kanyang pamilya.
Watch the full vlog below:
Kamakailan, ibinahagi ng Team Payaman resident doctor na si Alvin John Francisco sa kanyang YouTube…
Sa pinakabagong vlog ng Filipino actress at comedian na si Alex Gonzaga-Morada, ibinahagi niya sa…
Bukod sa kanyang tungkulin bilang asawa at ina, ipinakita ni Pat Velasquez-Gaspar ang kanyang skill…
Viyline Media Group is bringing its highly anticipated Team Payaman Fair to Cebu for the…
Naghatid ng ngiti sa mga tagapanood ang munting sandaling ibinahagi ng Team Payaman mom na…
Sa pinakabagong vlog ni Yow Andrada, ibinahagi niya ang kanyang mga karanasan at mga reyalisasyon…
This website uses cookies.