Clouie Dims Shares Must-Try Food Spots in BF Homes Subdivision

Isa ngayon ang pagfu-foodtrip ang hatid ng Team Payaman vlogger na si Clouie Dims kasama sina Genggeng at Igme.

Samahan sina Clouie, Genggeng, at Igme sa paghahanap ng mga must-try food spots sa loob ng BF Homes Subdivision!

BF Homes Foodtrip

Sa kanyang bagong vlog, isinama ni Clouie Dims sina Kevin Cancamo, a.k.a Genggeng, at Cedric Sunga, a.k.a Igme sa isang kwelang foodtrip.

Bukod sa pangkaraniwang pagsubok ng iba’t-ibang pagkaing matatagpuan sa nasabing lugar, binigyan ng hamon ni Clouie ang mga kasama pagdating sa pagba-budget.

Kinakailangan ay maipagkasya nina Clouie ang kanilang P2000-budget pagdating sa pagbili ng kanilang mga kakainin.

Tinawag ni Clouie na ‘Powerpuff Girls’ ang kanilang grupo dala ng kulay ng kanilang mga suot —pink, green, at blue.

La Guada

Una nilang sinubukan ang La Guada, isang Mexican food restaurant. Naisipan nina Clouie na umorder ng Beef Birria na sakto sa kanilang tatlo. Nagkakahalaga ito ng P460.

“Ang sarap! The best talaga ‘yung Birria sa La Guada!” komento ni Clouie.

Sweet Ecstasy

Sunod namang binisita ng grupo nina Clouie ang Sweet Ecstasy na kilala sa kanilang masarap na burger selections.

Sa tagpong ito, nilibre na ng nobyo ni Clouie na si Jaime Marino de Guzman, a.k.a Dudut Lang ang Powerpuff Girls upang ma-enjoy nila ang kakaining burger.

Hindi magkamayaw sina Genggeng, Igme at Clouie sa sarap ng kanilang kinakain. Kanila ring ipinares ang burger sa french fries.

Sweet Treats

Para naman sa kanilang dessert, dumayo sina Clouie, Genggeng, at Igme sa Good Pastry Cafe.

Kanya-kanyang pili ang Powerpuff Girls ng kanilang nais kainin gaya ng Biscoff Bread, Croissant, at marami pang iba.

La Chinesca & Sensei

Para sa kanilang last stop, nagtungo ang kanilang grupo sa La Chinesca at Sensei, isang Mexican at Japanese fusion restaurant.

Sinubukan ng kanilang grupo ang sushi pati na rin ang birria at tacos na talaga namang kanilang ikinatuwa.

Watch the full vlog below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Bring Your Family and Creativity Together This Christmas with TP Kids

The holiday season is all about creating joyful memories with family, and TP Kids has…

10 hours ago

Vien Iligan-Velasquez Shares Snippets of Mavi’s 7th Birthday Celebration

Sa bagong vlog ni Vien Iligan-Velasquez, ibinahagi niya ang emosyonal at masayang selebrasyon ng ika-pitong…

21 hours ago

Viy Cortez-Velasquez Challenges Sexbomb Girls in Kitchen Showdown

Hindi hatawan sa dance floor, kundi hatawan sa kusina ang hatid ng Team Payaman vlogger…

21 hours ago

Netizens Giggle Over Kidlat and Viela’s Cute Bonding Moments

Good vibes at ‘balls of sunshine’ kung tawagin ang magpinsan na sina Alona Viela at…

21 hours ago

Buy More, Slay More with Viyline Cosmetics’ Exclusive Holiday Lip Treat

It’s the season to be festive, and your makeup look should reflect the joy and…

21 hours ago

Ivy Cortez-Ragos Shares Easy Wais-Linis Hack with Twice Cleaner

Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ni Ivy Cortez-Ragos ang isang praktikal at wais na DIY…

2 days ago

This website uses cookies.