Can Team Payaman’s First-Time Cooks Survive a Cookbook Challenge?

Sa pinakabagong episode ng Dudut’s Kitchen, isang kakaibang cooking challenge ang inihanda ng resident cook ng Team Payaman na Dudut Lang para sa kanyang kapwa TP members na sina Genggeng at Igme.

Gamit ang cookbook ng kilalang content creator na si Ninong Ry, kailangan nilang sundan ang recipe at makapagluto ng swak sa panlasa ni Dudut upang maiuwi ang premyong limang libong piso.

Bistek ala Geng Geng x Igme

Sa kanyang vlog, sinubukan ni Jaime Marino de Guzman, a.k.a Dudut Lang, ang isang kakaibang hamon—kung kaya bang sundan ng mga kaibigan niyang sina Kevin Cancamo, a.k.a. “Geng Geng” at Cedric Sunga, a.k.a. “Igme” ang mga recipe mula sa cookbook ni Ninong Ry, kahit wala silang sapat na karanasan sa kusina.

Ayon kay Dudut, simple lamang ang mechanics ng challenge. Kailangan nilang bumunot ng recipe na may level of difficulty na easy, medium, o hard

Kapag napagtagumpayan nila ang hamon, maaari silang mag-uwi ng premyong nagkakahalaga ng limang libong piso.

“Simple lang ang mechanics nitong palaro natin o palahok. Bubunot lang sila sa ating mga palabunutan at meron tayong easy, medium, at hard dishes na pwede nilang mabunot at sila ang magluluto nito,” ani Dudut.

“Kung magustuhan ko man ang magawa at maluto nila, according sa libro na ito, bibigyan ko sila ng five thousand pesos,” dagdag ni Dudut.

Sa pagkakataong ito, “Easy Ka Lang” ang nabunot nina Geng Geng at Igme mula sa palabunutan ni Dudut. Kaya naman “Hindi Ito Bistek” mula sa cookbook ni Ninong Ry ang itinakdang recipe na kailangan nilang lutuin.

Ngunit sa kabila ng pagiging “easy” ng recipe, agad itong naging hamon para sa dalawang baguhan sa kusina dahil sa pagsunod sa tamang proseso.

Habang patuloy ang hamon, hindi maiwasang magkaroon ng kalituhan at pagtatalo sina Genggeng at Igme. Ngunit sa kabila nito, nagpatuloy ang dalawa sa pagsunod sa recipe sa abot ng kanilang makakaya.

Sa pamamagitan ng teamwork, sinubukan nilang ayusin ang lasa ng bistek gamit ang onions at cornstarch para lumapot ang sauce. Sa ilang bahagi ng challenge, tumulong din si Dudut kung kinakailangan.

Dudut’s Judgment: Pass or Fail?

Matapos ang cooking challenge, dumating na ang bahagi kung saan sinuri ni Dudut ang putaheng inihanda nina Genggeng at Igme. 

Binigyang-diin ni Dudut ang ilang pagkukulang sa proseso gaya ng hindi pagtanggal ng buto ng kalamansi na maaaring magbigay ng mapait na lasa, at ang labis na paggamit ng toyo sa marinade na naging dahilan ng sobrang alat.

Gayunpaman, kinausap din ng dalawa ang iba pang Team Payaman members tulad nina Vien Iligan-Velazquez, Chino Liu a.k.a. Tita Krissy Achino, Lincoln Velasquez a.k.a. Cong TV, JM Macariola, at Adam. 

Bawat isa sa kanila ay nagbigay ng kani-kanilang feedback—may nagsabing masarap, may nagsabing maalat, ngunit karamihan ay na-appreciate ang effort ng mga baguhan sa pagluluto.

Watch the full vlog below:

Angelica Sarte

Recent Posts

Viyline MSME Caravan Pops Up at SM City Cabanatuan with Local Entrepreneurs

In its mission to support and celebrate local businesses, the Viyline MSME Caravan, in partnership…

1 hour ago

Team Payaman’s Kevin Hermosada Shares a Heartfelt Take on Unexpected Friendships

Sa ika-apat na episode ng kanyang YouTube vlog series na “Kumusta,” ibinahagi ng Team Payaman…

1 hour ago

Junnie Boy Gets Hooked on Pickleball with Team Payaman

Bukod sa paglalaro ng basketball at online games, isa na rin ang pickleball sa mga…

1 day ago

The Third Wave of the Team Payaman Cap Is Coming to Life, Cong Clothing Confirms

It’s confirmed — the third wave of the well-loved Team PYMN Cap from Cong Clothing…

3 days ago

Get First Dibs on Cong Clothing’s Limited Edition ‘Aura Revival Collection’

A month ago, Cong TV’s very own clothing brand, Cong Clothing, released its newest shirt…

3 days ago

Sizzling-Hot IG Poses We’re Loving from TP’s Recent Visayas Trip

Kamakailan lang ay lumipad pa Bohol at Siquijor ang ilang Team Payaman members para sa…

3 days ago

This website uses cookies.