Muling nagbabalik ang Team Payaman vlogger na si Kevin Hermosada handog ang isa sa mga tagos-sa-pusong vlog para sa kanyang mga manonood.
Alamin kung ano nga ba ang dahilan kung bakit umani ng papuri ang mag-asawang Kevin Hermosada at Abigail Campañano-Hermosada.
Sa kanyang bagong vlog, isang kontrobersyal na usapin ang binigyang liwanag ng editor-turned-vlogger na si Kevin Hermosada.
Ilang panahon matapos ikasal, pangarap pa rin ng mag-asawang Kevin at Abigail na magkaroon ng kanilang sariling supling.
Taas noong hinarap ng dalawa ang tanong kung bakit hindi pa rin ito nagkakaroon ng anak.
Aminado naman ang dalawa na isa ang pagkakaroon ng anak sa kanilang ninanais matapos ang kanilang kasal.
Ibinahagi rin ng mag-asawa sa mga manonood na nakararanas ng Adenomyosis si Abi dahilan upang maantala ang pagbuo nila ng supling.
Tiniyak naman ni Kevin na patuloy sa paggagamot si Abi upang mapanatili na ligtas at malusog ang kanyang pangangatawan.
“My husband is doing a good job para hindi ako mapressure!” saad ni Abi.
Kahit hindi pa man binibiyaan ng anak, hindi pa rin nawawalan ng pag-asawa ang dalawa na balang araw ay makakabuo na sila ng sariling pamilya.
“I know you are disappointed. We are too, and it’s not easy, especially for Abi,” ani Kevin.
Hindi pa man agad nabiyayaan ng supling, taas noo pa ring nakiisa ang mag-asawang Kevin at Abigail sa adbokasiyang naglalayong mabigyan ng tulong ang mga child with special needs.
Agad na lumapit sina Kevin at Abi sa kanilang mga kaibigan sa Congpound upang mag-request ng mga laruang pambata.
Game na game na naman na naghandog ng ilang mga laruan ng kanilang mga anak sina Cong TV, Junnie Boy, at Boss Keng.
Nakipag-ugnayan din sina Kevin at Abi sa mga SPED educators upang mas malaman pa ang mga problemang kinakaharap ng mga batang may espesyal na pangangailangan.
Hinikayat din nila ang mga manonood na tumulong at makiisa sa adbokasiya para sa mga kabataang may espesyal na pangangailangan.
Watch the full vlog below:
Isang makabuluhang araw ang September 9 para sa pamilya Velasquez-Gaspar matapos sabay na ipagdiwang ang…
It’s that time of the year once again when you can dress up as your…
Papuri ang hatid ng online titos and titas sa magkapatid na Zeus Emmanuel Velasquez, a.k.a…
“Minsan, kailangan lang talaga nating marinig na okay lang mapagod.” Ganito sinimulan ni Kevin Hermosada…
Matapos ang sunod-sunod na trabaho at mga gawain, naglaan ng oras ang Iligan-Velasquez family upang…
As the Halloween season approaches, Viyline Printing Services helps everyone prepare for a fun and…
This website uses cookies.