Good vibes at tawanan na naman ang hatid ng Team Payaman member na si Yow Andrada sa kanyang bagong YouTube vlog.
Kasama ang kapwa TP member na si “Mentos,” bumida sa vlog ang isang masayang kwentuhan na may halong kwelang acting skits tungkol sa mga “parusa” o “consequence” sa tuwing may nagagawang pagkakamali ang isang kaibigan.
Sa bagong vlog ni Yow, nag-eksperimento ang dalawa sa iba’t ibang senaryo kung paano magpatawad at magparusa sa isang kaibigan na nagkasala.
Isa sa mga tampok na bahagi ng video ay ang skit kung saan nagkunwaring nagnakaw si Mentos at pinarusahan sa nakakatawang paraan, gaya ng pagpalo gamit ang tsinelas.
Hindi rin nawala ang paandar na acting, kung saan ginaya pa nila ang istilo ng reality show na Pinoy Big Brother o “PBB”, kompleto sa “force eviction” at emosyonal na eksena.
Bukod sa comedy skits, naisingit din nila ang usapan tungkol sa summer jobs, kung saan ibinahagi ni Yow ang naging karanasan niya bilang call center agent noon.
Samantala, marami ang hindi napigilang matawa sa bagong YouTube upload ni Yow kasama ang kaibigan na si Mentos.
@YourTitaPhoebe: “Pasko yata, sunud-sunod upload nila.”
@longlongcutie: “Lakas talaga ng trip nilang dalawa. Dinali na naman ulit si Kubol.”
@ronmarkyyy: “‘Yon, sunod sunod upload ng TP.”
Watch the full vlog below:
Muling binalikan ni Cong TV ang isa sa mga nakasalamuha niya sa kanyang ‘ISTASYON’ vlog…
Muling kinaaliwan ang father-and-son duo na sina Cong TV at Kidlat matapos nilang ibahagi ang…
Tuloy-tuloy ang pagpapakitang-gilas ng resident chef ng Team Payaman na si Jaime Marino De Guzman,…
Matapos ang pasko, bagong taon naman ang sunod na ipinagdiwang ng pamilya Iligan-Velasquez sa loob…
Sa paglipat ng pamilya Iligan-Velasquez sa kanilang bagong tahanan, ibinahagi ng Team Payaman vlogger na…
Isang pasabog ang dala ni Zeinab Harake-Parks sa kaniyang recent YouTube vlog kung saan hinamon…
This website uses cookies.