Proud Mom: Vien Iligan-Velasquez Shares Proud Mavi and Viela’s Achievements

Sa pinakabagong vlog ng Team Payaman mom na si Vien Iligan-Velasquez, masaya niyang ibinahagi ang ilang espesyal na kaganapan sa buhay ng kanyang mga anak na sina Von Maverick, a.k.a. “Kuya Mavi” at Alona Viela Velasquez.

Tunghayan ang proud mommy moments ni Vien at ang mga masasayang eksena kasama ang buong pamilya Iligan-Velasquez.

Mavi & Viela’s Big Day

Sa unang bahagi ng kanyang vlog, masayang ikinuwento ni Vien ang naging karanasan ng kanilang pamilya sa Gabby’s Dollhouse event matapos silang maimbitahan ng Rich Prime Global Inc.

Ayon kay Vien, kahit hindi gaanong nagpapakita ng emosyon ang kanyang bunsong anak na si Viela dahil sa hiya at kaba, kitang-kita raw ang excitement nito nang makita si Gabby. Sa katunayan, hinabol pa umano ni Viela si Gabby hanggang sa pag-exit ng mascot.

Kasunod nito, ibinahagi ni Mommy Vien ang graduation day ng kanyang panganay na anak na si Kuya Mavi. Mula sa pag-ayos sa umaga hanggang sa aktwal na seremonya, ramdam ang pagiging proud parents nina Vien at ng kanyang asawa na si Marlon Velasquez Jr. a.k.a. “Junnie Boy.”

Sa kanilang usapan, makikita rin ang bahagyang pangungulila sa ideya na unti-unti nang lumalaki ang kanilang mga anak.

Isa rin sa mga inilahad ni Mommy Vien ay ang pagbabago ng routine sa kanilang bahay. Dahil parehong may pasok na ang mga bata, tila mas lumuluwag ang oras nila ni Daddy Junnie sa araw-araw. 

Ngunit kasabay ng pagiging hands-on parents, naiintindihan din nila ang dagdag na responsibilidad lalo na sa aspeto ng gastusin sa pag-aaral.

Checking Up The Kids

Sa ikalawang bahagi ng vlog, ipinakita nina Mommy Vien at Daddy Junnie ang isang bonding moment kasama sina Kuya Mavi at Viela gamit ang “Fill in the Blanks” na tanong.

Layunin nito na mas makilala at mas maintindihan ang nararamdaman ng kanilang mga anak sa pamamagitan ng simpleng question and answer.

Sa bawat tanong, kapansin-pansin ang inosente ngunit makahulugang sagot ni Kuya Mavi na tila nagsasalamin ng pagmamahal at seguridad na nararamdaman niya sa kanyang pamilya.

Makikita rin kung paano pinapahalagahan nina Mommy Vien at Daddy Junnie ang bukas na komunikasyon sa kanilang mga anak at kung paanong sa ganitong paraan ay naipaparamdam nila ang suporta at pagmamahal.

Watch the full vlog below:

Angelica Sarte

Recent Posts

Cong TV Brings Holiday Joy Through Special Home Giveaways with Team Payaman

Isang maagang pamasko ang hatid ng Team Payaman headmaster na si Cong TV sa isang…

19 hours ago

Day 1 Recap: Viyline MSME Caravan Celebrates Its 11th Leg this 2025 at SM Center San Pedro

The Viyline MSME Caravan officially opened its doors at SM Center San Pedro, marking the…

2 days ago

Team Payaman’s Kevin Hermosada Opens Up About His Ear Surgery in Latest Vlog

Kamakailan, matapang na ibinahagi ng Team Payaman vlogger na si Kevin Hermosada ang personal at…

2 days ago

Viyline MSME Caravan Brings Festive Fun to SM Center San Pedro

​ The most wonderful time of the year is starting early! Prepare for a burst…

3 days ago

Team Payaman and Team Harabas Go Night Dive Spear Fishing in Occidental Mindoro

Isang kakaibang biyahe ang hatid ng Team Payaman vlogger na si Boss Keng sa kanyang…

3 days ago

Clouie Dims and Pat Pabingwit Take On the ‘One Shot, One Makeup’ Challenge

Mas naging masaya at mas makulit ang bagong vlog ni Clouie Dims matapos niyang makasama…

4 days ago

This website uses cookies.