Muli na namang papainitin ng Team Payaman Wild Dogs ang basketball court matapos opisyal na i-anunsyo ng Star Magic ang pangmalakasang line-up ng Cong’s Anbilibabol Basketball Team sa nalalapit na All-Star Games 2025.
Kilalanin ang mga makakaharap ng Team Gerald Anderson x Donny Pangilinan sa nalalapit na Star Magic All-Star Games ngayong taon.
Maaalalang noong nakaraang taon unang sumabak ang Cong’s Anbilibabol Basketball Team sa Star Magic All-Star Games 2024, kung saan tinanghal silang 1st runner-up matapos matalo sa grupo ng mga aktor na pinamunuan ni Coach Donny Pangilinan.
Ngayong taon, muling matutunghayan ng taumbayan ang pagtutuos ng grupo nina Donny bilang Team Captain at Gerald Anderson bilang bagong Coach, at ng grupo ng Playing Coach na si Lincoln Velasquez, a.k.a Cong TV, at Team Captain niyang si Marlon Velasquez Jr., a.k.a Junnie Boy.
“If it’s a rematch you want, then it’s an INTENSE REMATCH you will get,” saad ng Star Magic sa kanilang Facebook announcement.
Ang grupo na Cong’s Anbilibabol Basketball ay binubuo ng mga sumusunod na manlalaro:
Hindi naman maitago ng ilang Team Payaman members sa kanilang mga nakatutuwang komento ang pagkasabik sa nalalapit na laro.
@Carlos Magnata (Bok): Star Magic, lahat ng nakikita ko sa pic, bantay sarado sakin. Kahit time out babantayan ko kayo!
@Yow: Hanggang replay, babantayan ko kayo.
@Jun Matthew Brecio (Matthaios): Star Magic All-Star Games, we are back!
Ang inaabangang laban ay gaganapin sa July 20, 2025, Linggo, 3PM sa Smart Araneta Coliseum.
Ngayon pa lang ay maaari nang bumili ng tickets sa official website ng Ticketnet na nagkakahalagang Php 250 para sa Gen Ad, Php 800 para sa Upper Box, Php 2,000 para sa Lower Box, Php 4,00 para sa Patron B, Php 5,000 para sa Patron A, at Php 10,000 naman para sa limited Courtside Seats.
Siguraduhing naka-antabay sa opisyal na Facebook page ng Star Magic at Viyline Media Group para sa iba pang importanteng anunsyo!
The Viyline Group of Companies (VGC) is officially ready for a huge 2026. In a…
Kamakailan, opisyal nang inilabas ng singer-songwriter at content creator na si Kevin Hermosada ang kanyang…
Isang masaya at hindi malilimutang Ocean Park Hong Kong experience ang hatid ni Pat Velasquez-Gaspar.…
Muling nagbahagi ng isang simple ngunit makabagong recipe ang Team Payaman cook na si Jaime…
Mula sa pagiging kasamahan sa trabaho, ngayon ay magkakasama na sa iisang tirahan ang ilang…
Matapos ang unang yugto ng content wars nina Junnie Boy at Boss Keng, isang plano…
This website uses cookies.