Viy Cortez-Velasquez Wows Netizens and Team Payaman With Drifting Skills

Isang kamangha-manghang trip ang hatid ng Team Payaman vlogger na si Viy Cortez-Velasquez na talaga namang gumulat sa mga manonood.

Tunghayan ang hindi matatawarang reaksyon ng Team Payaman at ng mga netizens sa newly-learned skill ni Viviys!

Drifting Ina

Sa debut episode ng kanyang bagong serye na ‘Cool Mom,’ isang buwis buhay na aktibidad ang hatid ng 28-anyos na vlogger na si Viy Cortez-Velasquez.

Bumyahe si Viviys mula Congpound hanggang sa San Simon, Pampanga upang mag-aral ng drifting.

Kasama ni Viy ang R33 Trucks sa pangunguna ni Coach Ashley Sison, isa sa mga professional female drifter sa bansa.

Una nang itinuro kay Viy ang mga basics at history sa pagdi-drift na kanyang kailangan upang mas makilala pa ang nasabing aktibidad.

Sunod naman s’yang sumalang sa practical training kung saan mano-manong itinuro ni Coach Ashley ang mga kinakailangang gawin ni Viviys sa pagmamaneho.

Sa una ay tila nahilo si Viy dahil ito ang kauna-unahang beses na nakasakay s’ya sa drifting car.

Naging madali naman para kay Viviys na matuto, dahilan upang simulan na n’ya ang kanyang ipinaplano para sa mga kapwa Team Payaman members.

Funny TP Experience

Matapos ang ilang araw na pag-eensayo ni Viviys sa pagdi-drift, kinuntsaba n’ya ang ilan sa mga malalapit na kaibigan ng asawa n’yang si Lincoln Velasquez, a.k.a Cong TV, na mapapunta s’ya sa drifting rack.

Laking gulat ni Cong nang masilayan ang asawang si Viy na nakaupo sa driver’s seat. Nilinlang muna ni Viy ang asawa na hindi s’ya sanay magmaneho, dahilan upang lalong kabahan ito.

“Sino ka ba? Asawa ko ba ‘to? Paano ka natuto nito?” biro ni Cong.

Sunod-sunod namang sumabak ang ilan pang Team Payaman members na sina Dudut Lang, Boss Keng, Coach JM, at Junnie Boy na mayroon ding mga hindi matawarang reaksyon.

“Marunong ka ba nito?” tanong ng lahat kay Viy.

Netizens’ Reactions

Samantala, marami ang natuwa at humanga sa kakaibang atakeng hatid ni Viy sa kanyang bagong ‘Cool Mom’ serye.

@CongTheVlogger: “Hanep talaga ‘to!”

@jenniferpacquing139: “Iba talaga utak ni Viy magpa trending, ang tahimik simula nanganak pero pasabog pag balik!”

@ashleydelosreyes7602: “Iba talaga yung pagka baliw ni Viy kapag gusto niyang gawin yung isang bagay. Ang solid! You never fail to amaze Cong, Viy! Astig yun!”

@gracemargauxvale3492: “NGAYON LANG AKO NAKAKATAWA NG SOBRAAAAAA. THANKS VIVIIIIIYS!!! THE BEST KA TALAGA!!!!!!!!!!!!!!!!!!!”

Watch the full vlog below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Cong TV Reunites with a Familiar Face from ‘ISTASYON’ to Spice Up an Ad Jingle

Muling binalikan ni Cong TV ang isa sa mga nakasalamuha niya sa kanyang ‘ISTASYON’ vlog…

18 hours ago

Netizens Applaud Cong TV’s Simple Yet Memorable Bonding with Kidlat

Muling kinaaliwan ang father-and-son duo na sina Cong TV at Kidlat matapos nilang ibahagi ang…

4 days ago

Dudut Lang Launches First-Ever ‘Dudut’s Kitchen Awards’

Tuloy-tuloy ang pagpapakitang-gilas ng resident chef ng Team Payaman na si Jaime Marino De Guzman,…

5 days ago

Vien Iligan-Velasquez Shares Family’s Intimate New Year’s Eve Celebration

Matapos ang pasko, bagong taon naman ang sunod na ipinagdiwang ng pamilya Iligan-Velasquez sa loob…

5 days ago

Junnie Boy Embraces Daddy Duties and Family Life in Latest Vlog

Sa paglipat ng pamilya Iligan-Velasquez sa kanilang bagong tahanan, ibinahagi ng Team Payaman vlogger na…

5 days ago

Viy Cortez-Velasquez and Tita Krissy Achino Face Zeinab Harake-Park’s ‘Don’t Flinch’ Challenge

Isang pasabog ang dala ni Zeinab Harake-Parks sa kaniyang recent YouTube vlog kung saan hinamon…

6 days ago

This website uses cookies.