Cong TV and Team Payaman Go All Out in Skydiving Adventure

Usap-usapan ngayon ang all-out at buwis buhay na aktibidad na sinubukan ng Team Payaman, kabilang na ni Cong TV habang sila ay namasyal sa Thailand.

Silipin ang mga tagpo matapos matupad ng Team Payaman ang kanilang bucketlist na makapag skydiving sa labas ng bansa!

TP Goes Skydiving

Sa comeback vlog ng Team Payaman vlogger na si Lincoln Velasquez, a.k.a Cong TV, binitin n’ya ang mga manonood sa kanyang outro na kung saan ipinasilip n’ya ang kanyang skydiving experience. 

Marami ang may haka-haka na baka “AI Generated” ang nasabing clip dahil isa ang skydiving sa pinaka mahirap at nakakatakot na aktibidad na maaaring masubukan ng isang tao.

Nang mapanood ang recently-uploaded vlog ni Cong TV, marami ang nagulat at humanga sa lakas ng loob hindi lamang ni Cong, kung hindi ng kanyang kapwa TP members na sumabak sa nasabing aktibidad.

Nagtungo ang grupo ng Team Payaman sa Skydive Thailand upang isagawa ang kanilang planong mag-skydiving.

Taas noong tinanggap nina Steve Wijayawickrama, Carding Magsino, Awi Columna, Ephraim Abarca, at ilan pa sa kanilang mga kasamahan ang hamon ni Cong TV.

Sabay-sabay na tumalon ang Team Payaman kasama ang mga professional skydivers na gumabay sa kanila.

Hindi matatawaran ang emosyon at pagkatuwa ng mga ito dahil nalabanan ng tuwa ang takot na kanilang naramdaman bago mag-skydiving.

Netizens’ Reactions

Samantala, marami ang nagpahatid ng kanilang pagkatuwa sa buwis-buhay adventure na hatid ni Cong TV sa kanyang comeback vlogs.

@SteveWijayawickrama: “LIVE my friend, and to those seeking the definition of life, pm nalang HAHAHAH!”

@lyndonbernardino2021: “Solid yung iyak ni Coach JM ,tears of satisfaction in life yon kaya hindi nya alam kung bakit!”

@JarvisSchofield: “I feel like naisigaw ni Coach JM yung totoong nararamdaman nyang di nya madalas nasasabi o di sya vocal. Pero that jump and tears coach hits different. What a life! Salamat bossing parang sinama mo na din kami sa experience na to. Shout out Steve! I want to experience that definition of life too!”

@SirFranzJosef: “Eto iyong resulta ng pahinga! Sobrang ganda ng quality nung 2 bagong vlog. Ramdam ko ulit ang saya na di ko na nakikita sa 8bang channel. Team Payaman just hits differently!”

Watch the full vlog below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Netizens Applaud Cong TV’s Simple Yet Memorable Bonding with Kidlat

Muling kinaaliwan ang father-and-son duo na sina Cong TV at Kidlat matapos nilang ibahagi ang…

2 days ago

Dudut Lang Launches First-Ever ‘Dudut’s Kitchen Awards’

Tuloy-tuloy ang pagpapakitang-gilas ng resident chef ng Team Payaman na si Jaime Marino De Guzman,…

3 days ago

Vien Iligan-Velasquez Shares Family’s Intimate New Year’s Eve Celebration

Matapos ang pasko, bagong taon naman ang sunod na ipinagdiwang ng pamilya Iligan-Velasquez sa loob…

3 days ago

Junnie Boy Embraces Daddy Duties and Family Life in Latest Vlog

Sa paglipat ng pamilya Iligan-Velasquez sa kanilang bagong tahanan, ibinahagi ng Team Payaman vlogger na…

3 days ago

Viy Cortez-Velasquez and Tita Krissy Achino Face Zeinab Harake-Park’s ‘Don’t Flinch’ Challenge

Isang pasabog ang dala ni Zeinab Harake-Parks sa kaniyang recent YouTube vlog kung saan hinamon…

4 days ago

Double the Charm: Tokyo Athena and Kidlat Steal Hearts in Recent Milestone Shoot

Mas dumoble ang saya at kakulitan sa ninth month milestone photoshoot ng magkapatid na Tokyo…

4 days ago

This website uses cookies.