Will AkoSi Dogie Take Home P1M from Boss Keng’s Cash Flow Game?

Matapos sumalang ni Junnie Boy sa online game show ni Boss Keng na pinamagatang “Cash Flow,” ang gaming content creator na si AkoSi Dogie ang humarap sa hamon ng nasabing TP member.

Alamin kung magiging milyonaryo na nga ba o uuwing luhaan ang bagong Cash Flow contestant na si AkoSi Dogie.

AkoSi Dogie x Boss Keng

Sa bagong episode ng ‘Cash Flow’ serye ni Exekiel Christian Gaspar, a.k.a Boss Keng, kanyang inanyayahan ang isa sa mga kilalang gaming content creator sa bansa na si Naser Mollazehi, a.k.a AkoSi Dogie

Kwento ni Boss Keng, marami sa kanyang mga manonood ang humiling na maimbitahan si Dogie sa kanyang game show.

Nananatili pa rin ang batas ng ‘Cash Flow’ na kung saan may inihandang sampung katanungan si Boss Keng. Ang bawat tamang sagot ay may katumbas na premyo.

Kung sakali man na masagot ni Dogie ang million-peso question, kanyang maiuuwi ang isang milyong pisong premyo.

“Kapag nanalo ako ng one million, lahat ng nanonood dito ngayon, babayaran ko lahat ng utang n’yo,” biro ni Dogie.

Hindi naging dagok para kay Dogie na sagutin ang mga naunang katanungan na naglalayong hamunin ang kanyang kaalaman pagdating sa kulturang Pilipino at sa pagsagot ng mga bugtong. 

Sa kasamaang palad, natalo s’ya pagdating sa ika-pitong tanong kung saan kinailangan n’ya hulaan ang tao sa likod ng inihandang litrato nina Boss Keng.

“Sayang, hindi mo nakita ang mga hint!” biro ni Boss Keng.

Funny Comments

Matapos mapanood ang nasabing episode, marami ang nagpahatid ng kanilang pagkatuwa sa unexpected collab nina Boss Keng at AkoSi Dogie.

@jeraldbriones2455: “Hanep ka boss keng pang international yung guest mo. Halliburton in the house!!!!”

@NJDJ2: “Astig naman! si Doggie ay naging contestant sa Cash Flow!”

@RS-bq6vz: “Si boss dogs lang ata naka beachwalk sa show na ito!”

Watch the full vlog below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Viy Cortez-Velasquez Spills the Truth About ‘Congpound’ in Latest Vlog

Kamakailan, ibinahagi ng Team Payaman vlogger na si Viy Cortez-Velasquez ang kanyang bagong vlog, na…

15 hours ago

Viy Cortez-Velasquez Takes Sisters On A ‘Tres Marias’ Foodtrip Date

Isang masaya at nakakabusog na mini foodtrip vlog ang hatid ng magkakapatid na Viy Cortez-Velasquez,…

18 hours ago

Start 2026 on a Fresh Note with Perfect Scent by Viyline

The new year is the perfect time to refresh not just your routines, but your…

18 hours ago

Former Team Payaman Editor Carlo Santos Shares a Family Milestone

Ngayong taon lamang ay ibinahagi ng former Team Payaman editor na si Carlo Santos ang…

18 hours ago

Viy Cortez-Velasquez and Cong TV Take On Full-Time Parenting for a Day

Isang masaya at puno ng memoryang vlog ang hatid ni Viy Cortez-Velasquez at Lincoln Velasquez,…

2 days ago

Cong TV Reunites with a Familiar Face from ‘ISTASYON’ to Spice Up an Ad Jingle

Muling binalikan ni Cong TV ang isa sa mga nakasalamuha niya sa kanyang ‘ISTASYON’ vlog…

3 days ago

This website uses cookies.