Bago tuluyang maging isang ganap na Mrs. Harake-Parks, ibinida ng vlogger na si Zeinab Harake ang surpresang bridal shower na inihanda ng kaniyang mga bigating bridesmaids, kabilang na ang Team Payaman vlogger na si Viy Cortez-Velasquez.
Tunghayan ang mga hindi malilimutang tagpo ng nasabing bridal shower at kung paano nga ba maging bridesmaid ang isang Viviys.
Kwento ng malapit na kaibigan ni Zeinab at isa sa kanyang mga bridesmaids na si Donnalyn Bartolome, ang konsepto ng kanilang inorganisang surpresa ay bridal shower at bachelorette party in one na tinawag nilang ‘Zeinab’s Showerolette’.
Ang bridal shower ay binuo ng girly pamper stations gaya ng hair and makeup area, nail corner para sa mga attendees, snack booth, at ang gifting session para sa bride-to-be.
Karamihan ng mga regalong natanggap ni Zeinab ay night robe, lingerie, at iba pang kagamitan na kanilang magagamit sa ‘sexy time’ nila ng kanyang soon-to-be hubby na si Bobby Ray Parks Jr.
Samantala, isang mamahaling alak naman ang niregalo ni Viy. Paliwanag ni Viviys, ang ibang mga regalong natanggap ni Zeinab ay hindi niya masusuot sa normal na araw kaya kinakailangan niya muna ng pampalakas ng loob gamit ang regalo n’yang alcoholic drink.
“Naalala mo inaabot tayo alas singko, alas sais, nag-iinom kami. Ito talaga ang masarap kainuman, si Ate Viy. Thank you, Ate Viy, iinumin natin ‘tong bridesmaids today,” pasasalamat ni Zeinab.
Ang ikalawang parte naman ng surpresa ay ang bachelorette party na binuo ng mas masayang kwentuhan, sayawan, at walwalang may halong alak.
Sa paglalim ng gabi at kasiyahan ay may palarong spicy Truth or Dare sa mga bisita sa pangunguna ni Zeinab at ng kaniyang co-host na si Viy.
Subalit, noong oras na ng uwian ay tila tuluyan na ngang lumabas ang kulit nina Zeinab at ng kaniyang mga bridesmaids, kabilang na si Viviys.
Biro ni Viy ay walang uuwi hangga’t hindi niya napapatunayang mahal siya ng kapwa vlogger at asawang si Cong TV na kanyang mapapatunayan sa pagsundo sa kanya.
Sa huli, matapos ang pamimilit nina Zeinab at ang iba pang bridesmaids ay dumalo na rin si Cong upang sunduin ang asawa.
Watch the full vlog below:
Sa nakaraang Christmas Party ng Team Payaman, hindi lang basta salu-salo ang naganap, nagkaroon din…
Isang kwela at full-of-adventure vlog ang hatid nina Viy Cortez-Velasquez at mister niyang si Lincoln…
Isang maagang pamasko ang hatid ng Team Payaman headmaster na si Cong TV sa isang…
The Viyline MSME Caravan officially opened its doors at SM Center San Pedro, marking the…
Kamakailan, matapang na ibinahagi ng Team Payaman vlogger na si Kevin Hermosada ang personal at…
The most wonderful time of the year is starting early! Prepare for a burst…
This website uses cookies.