Zeinab Harake and Ray Parks’ Romantic Dubai Getaway Before Tying The Knot

Bago tuluyang ikasal ang power couple na sina Zeinab Harake at Ray Parks Jr., isang makabuluhang Dubai trip ang kanilang isinagawa.

Tunghayan ang mga tagpo sa kanilang hindi malilimutang out-of-the-country trip bago maging opisyal na Mr. and Mrs. Parks.

RayNab Goes To Dubai

Isinama ng YouTube vlogger na si Zeinab Harake ang mga manonood o ang kanyang mga ‘Team Zebbies’ sa kanilang paglipad patungong Dubai.

Kanyang ipinasilip ang mga tagpo sa kanyang bagong vlog, kung saan kitang kita ang tuwa nila ng kanyang soon-to-be hubby na si Ray Parks Jr. sa mga aktibidad na kanilang sinubukan.

Naibahagi ng dalawa na hindi muna nila kasama ang kanilang mga anak dahil kanilang aasikasuhin ang kanilang kasal.

“Sobrang happy n’ya kasi solo na naman n’ya ako,” kwento ni Zeinab.

Pagkalapag sa Dubai, agad na kumain sina Ray at Zeinab, na agad nilang sinundan ng pamamasyal sa mall at maging sa museum.

Sinulit din ng dalawa na magkaroon ng alone time night-out bonding bago tuluyang ibigay ang kani-kanilang mga “I Do.”

The Wedding Dress

Isa sa kanilang mga pakay sa Dubai ay ang personal na pagkuha ng kanilang wedding dress at mula sa tanyag na designer na si Michael Cinco.

Kwento ni Zeinab, pangako n’ya na sa kanyang sarili na si Michael Cinco lang ang nais niyang mag-disenyo ng kanyang wedding gown.

“Actually kaya ako pumunta ng Dubai, only [for] you, [Michael!]” pagbati ni Zeinab sa nasabing designer.

Walang pagdadalawang isip na inimbitahan ni Zeinab si Michael Cinco sa kanilang kasal bilang pasasalamat sa pagdisenyo ng kanyang wedding gown.

“Thank you so much po for doing our wedding gown. That’s our wedding invitation!” anila.

Excited Zebbies

Samantala, marami na ang hindi makapag-hintay sa nalalapit na “big day” nina Zeinab at Ray.

@alegriaregacho5461: “I’m so happy for you, Zeinab! Goosebumps talaga. Look at how life turned around for you. After everything you went through, naniniwala ako that  when you’ve been deeply hurt, something beautiful is bound to happen after. And you’re living proof of that and talagang nakaka-touch ang ginagawa ng hubby mo sa’yo, and thank you for sharing all your journeys! Wishing you both happiness! Love love love!”

@justjeanmae8242: “Zeeey is glowing, confident and loved. It’s also amazing how Ray adjusted with Zeey’s lifestyle na laging may camera hehe .. it really shows how much he loves her. Iba talaga pag nasa tamang tao ka. RayNab forevz!”

Watch the full vlog below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Netizens Applaud Cong TV’s Simple Yet Memorable Bonding with Kidlat

Muling kinaaliwan ang father-and-son duo na sina Cong TV at Kidlat matapos nilang ibahagi ang…

2 days ago

Dudut Lang Launches First-Ever ‘Dudut’s Kitchen Awards’

Tuloy-tuloy ang pagpapakitang-gilas ng resident chef ng Team Payaman na si Jaime Marino De Guzman,…

3 days ago

Vien Iligan-Velasquez Shares Family’s Intimate New Year’s Eve Celebration

Matapos ang pasko, bagong taon naman ang sunod na ipinagdiwang ng pamilya Iligan-Velasquez sa loob…

3 days ago

Junnie Boy Embraces Daddy Duties and Family Life in Latest Vlog

Sa paglipat ng pamilya Iligan-Velasquez sa kanilang bagong tahanan, ibinahagi ng Team Payaman vlogger na…

3 days ago

Viy Cortez-Velasquez and Tita Krissy Achino Face Zeinab Harake-Park’s ‘Don’t Flinch’ Challenge

Isang pasabog ang dala ni Zeinab Harake-Parks sa kaniyang recent YouTube vlog kung saan hinamon…

4 days ago

Double the Charm: Tokyo Athena and Kidlat Steal Hearts in Recent Milestone Shoot

Mas dumoble ang saya at kakulitan sa ninth month milestone photoshoot ng magkapatid na Tokyo…

4 days ago

This website uses cookies.