Tokyo Athena Serves Cuteness In Her Frozen-Themed Milestone Shoot

Para sa selebrasyon ng ikalawang buwan ng bunso nina Cong TV at Viy Cortez-Velasquez na si ni Baby Tokyo Athena, isang Frozen-themed photoshoot ang handog nito para sa kanilang mga taga-suporta.

Tunghayan ang cute at hindi matatawarang bond nina Baby Tokyo at Kuya Kidlat para sa kanyang second-month celebration. 

Frozen-Themed Photoshoot

Muling pinahanga ni Baby Tokyo Athena Velasquez ang mga online tito and titas sa kanyang cuteness-filled photoshoot na hango sa Disney movie na “Frozen” na ibinahagi ni Mommy Viy Cortez-Velasquez sa isang Facebook post.

Ang mga larawan ni Baby Tokyo na naka-Queen Elsa ay talaga namang nakakaaliw dala ng kanyang mala-Frozen na setup at costume. 

Hindi rin nagpahuli ang panganay nina Mommy Viy at Daddy Cong na si Zeus Emmanuel Velasquez, a.k.a Kuya Kidlat, na nagbihis Olaf, isa rin sa mga karakter sa nasabing palabas.

Kwento rin ni Mommy Viy, labis ang kwelang hatid ni Kuya Kidlat dahil hindi na rin nagkakasya sa kanya ang inihandang costume. 

Beautiful Tokyo

Pagkabahagi pa lamang ng mga litrato ni Baby Tokyo, nag-uumapaw na ang mga positibong komento mula sa mga netizens.

Krenessa Aguda: “Ayan na miii, nagsisimula na ang mga Disney Princess! Waiting kami sa Little Mermaid ni Cong TV hahahahahaha.”

Tere Dacumos: “Ang cute ni Tokyo pero kay Kidlat talaga ako naaliw, para sa baby sister lahat gagawin.”

MC Sayt: “Super cute, si Kidlat bata pa lang parang comedian na. Sana maging healthy sila lagi at kagalakan ng kanilang mga parents.”

Jen Nhel: “Grabe, sobrang natuwa ako, ang ganda ni Baby Tokyo, little Viy Cortez tapos si Kidlat little Cong TV. Super cute, congratulations Viy! I’m genuinely happy for you. Since magjowa pa lang kayo ni Cong, fan na ako lalo ang asawa ko. Dapat sikat na si Cong, lagi namin pinapanood lahat ng old videos.”

Mira Mariga: “Cute! Sana lumaki kayong katulad ng mga magulang niyo na nagpapasaya ng mga tao. I love this family talaga.”

Haidie Avellaneda: “Viy na viy, mamana sana ang lakas at tapang bilang babae at ina paglaki.”

Zandra Mae Villegas: “Beautiful children, nakakatuwa si Kidlat at excited na ako makita si Tokyo na kasing bibo niya.”

Carmellie Ocampo

Recent Posts

Clouie Dims and Pat Pabingwit Take On the ‘One Shot, One Makeup’ Challenge

Mas naging masaya at mas makulit ang bagong vlog ni Clouie Dims matapos niyang makasama…

21 hours ago

Yiv Cortez Wows Netizens with Her Rendition of ‘Ligaw Tingin’

Kilala si Yiv Cortez bilang bunsong kapatid ni Viy Cortez-Velasquez, ngunit lingid sa kaalaman ng…

21 hours ago

Viy Cortez-Velasquez Wows Viewers with an Unexpected Collaboration Vlog

Ginulat ng Team Payaman vlogger na si Viy Cortez-Velasquez ang mga manonood nang ilabas niya…

4 days ago

Vien Velasquez Proudly Shares Alona Viela’s Birthday Celebration Snippets

Matapos ang ikapitong kaarawan ni Mavi noong Nobyembre, sunod namang ipinagdiwang ng pamilya Iligan-Velasquez ang…

4 days ago

Netizens Applaud Isla Patriel Gaspar’s Early Household Skills

Cuteness overload ang hatid ng anak nina Pat Velasquez-Gaspar at Boss Keng na si Isla…

4 days ago

Team Iligan-Velasquez Shares Joyful Christmas Tradition in Latest Vlog

Ngayong kapaskuhan, muling ipinasilip ng Team Payaman mom na si Vien Iligan-Velasquez ang kanilang taunang…

5 days ago

This website uses cookies.