Goodbye Kevs: Is Kevin Hermosada Quitting Vlogging?

Maliban sa vlogging, mas aktibo ngayon ang Team Payaman editor-turned-vlogger na si Kevin Hermosada sa pagpapasaya ng mga manonood sa pamamagitan ng Facebook reels.

Ang pagtigil nga ba ang dahilan ng unti-unting pagkawala ni Kevin sa mundo ng YouTube? 

Is Kevin Quitting?

Sa kanyang bagong vlog, isang inspirational na content ang hatid ng Team Payaman vlogger na si Kevin Hermosada sa kanyang YouTube channel —kakaibang uri ng content kumpara sa kanyang usual funny vlogs. 

Sa unang bahagi ng kanyang video, isang backstory o pangangamusta ang hatid ni Kevin para sa kanyang mga manonood.

Ibinahagi n’ya na ang mga nakaraang buwan ay hindi naging madali para sa kanya dala ng matinding pag-iisip o pago-overthink. 

Isa sa kanyang matagal nang pinag-iisipan ay kung itutuloy pa n’ya ang kanyang karera pagdating sa pagba-vlog sa YouTube.

“Sa tagal kong walang upload [sa YouTube], hindi nawawala sa isip ko araw-araw kung what [contents] to release here. As in puro ako simula,” kwento n’ya.

Inamin ni Kevin na minsan n’ya nang naisipang tumigil sa pagba-vlog, ngunit mas naging matimbang ang dahilan ng kanyang pagpapatuloy —ang kanyang mga mahal sa buhay.

More Contents from Kevs

Naging emosyonal si Kevin nang balikan n’ya kung paano naging susi ang paggawa ng mga contents sa pagpe-preserba ng mga alalang nabuo n’ya kasama ang mga mahal sa buhay.

“Dito nagsimula ang lahat, kung paano ako nangarap, kung paano ko nagustuhan ang vlogging,” aniya.

“Don’t quit!” sambit ni Kevin.

Doon n’ya napagtanto ang kahalagahan ng hindi pagsuko sa anumang hamong binabato sa kanyang buhay.

Nangako rin si Kevin sa kanyang mga manonood at solid na mga taga-suporta na patuloy pa rin s’ya sa paggawa ng mga contents para rito.

Samantala, marami naman ang natuwa at na-inspire sa kakaibang aral na hatid ni Kevin sa kanyang bagong vlog upload.

@ferrerjoanngiel884: “Di mapapapagod sumalyap at bumisita. Sa oras ng pagod at pagpapahinga, mananatili kaming aantabay sayo. Welcome back, Boss Kevin!” 

@knnthp__: “Napapaisip na din ako mag quit kuya kevs dito sa career na meron ako. Dahil sa upload mo naalala ko yung panahon na pinapangarap ko lang to. Tuloy lang!”

@arvinnicolas7524: “Now playing:  Ayoko Na – Libre , mag papaalala sayo na mag patuloy ka sa filming, Boss Kevs!”

Watch the full vlog below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Content Wars is Back! Boss Keng ‘Kalabantay’ Challenges Junnie Boy’s ‘Bantatay’

Panibagong mga karakter ang hatid ng Team Payaman members na sina Boss Keng at Junnie…

14 hours ago

​Viyline Group of Companies Prepares for 2026 with a Strategic Planning Event

​ "Strategic Planning is nothing without strategic vision." Guided by this principle, the Viyline Group…

14 hours ago

Viy Cortez-Velasquez Spills the Truth About ‘Congpound’ in Latest Vlog

Kamakailan, ibinahagi ng Team Payaman vlogger na si Viy Cortez-Velasquez ang kanyang bagong vlog, na…

1 day ago

Viy Cortez-Velasquez Takes Sisters On A ‘Tres Marias’ Foodtrip Date

Isang masaya at nakakabusog na mini foodtrip vlog ang hatid ng magkakapatid na Viy Cortez-Velasquez,…

1 day ago

Start 2026 on a Fresh Note with Perfect Scent by Viyline

The new year is the perfect time to refresh not just your routines, but your…

1 day ago

Former Team Payaman Editor Carlo Santos Shares a Family Milestone

Ngayong taon lamang ay ibinahagi ng former Team Payaman editor na si Carlo Santos ang…

1 day ago

This website uses cookies.