Times That Team Payaman’s Genggeng Became So Relatable

Bukod sa pagiging kilalang miyembro ng Team Payaman, unti-unting bumubuo ng pangalan Genggeng sa mundo ng TikTok sa pamamagitan ng pagbuo ng video contents. 

Mula sa kanyang mga “Day in a Life” videos, dance covers, at random uploads, talaga namang patok sa kanyang audience ang kanyang mga relatable na TikTok posts. 

Alamin ang mga pagkakataong naging super-relatable siya sa netizens!

The “Self-Signatory” Parental Consent

Marami sa mga estudyante ang naka-relate sa nagdaang TikTok post ni Kevin Cancamo, a.k.a, Genggeng, kung saan idinaan niya sa isang dance trend ang kanyang relatable na POV: “Dance if grumaduate ka nang ikaw lahat pumipirma ng Parent Consent.”

Pamilyar na ang gawaing ito at parte na ng ‘student chronicles’ kung saan karamihan ay sila na rin ang pumipirma ng parental consent na binibigay ng eskwelahan. 

Bagamat hindi ito tamang gawain, hindi pa rin napigilang aminin ng mga manonood na guilty sila rito. 

Narito ang ilan sa mga nakakaaliw na komento ng netizens:

 @jeppppyy: “ako rin taga pirma sa parent consent ng mga classmates ko”

 @papachkekayjasver: “grumaduate ang taga gawa ng excuse letter here”

@lunatic8pi: “me na naging guardian pa ng mga kaklase ko para sa field trip and seminars para makasama lang”

@desiriegarcia855: “me na parenting myself. relate na relate ang babaeng ito!”

“In God We Trust”

Isa pang nakakaaliw na senaryo ang ibinahagi ni Geng sa TikTok habang siya’y naglalakad pauwi. 

Nakakita siya ng isang gusali kung saan nakapaskil ang sikat na quote na “In God We Trust.” Aniya, “Alam mo, kung may problema ka sa buhay, lagi mong tatandaan na; In God, We Trust.”

Talaga namang relate-much ang karamihan dito dahil madalas itong gawing motibasyon sa anumang sitwasyon.

@n.nikohl: “yan din motivation ko nung ojt era ko natatanaw ko yan tuwing out ko!”

@gxlli_e: “In God we trust”

Freedom of Speech

Samantala, naging relatable rin ang kanyang mga sinabi nang magbahagi si next-gen Team Payaman member ng mini podcast kung saan tinalakay niya ang kahalagahan ng pagkakaroon ng freedom of speech sa social media, lalo na sa usaping pulitika.

“For me, in my perspective, okay lang na maging vocal ka sa social media about your concerns. Especially politics… dahil at the end of the day, hindi lang naman tayo ‘yung makikinabang. Mga voters, ‘yung mga anak mo, kaibigan mo, kapamilya mo, ‘di ba? Okay lang na maging vocal ka dahil part ‘yan ng freedom of speech…”

Kayo, mga Kapitbahay, what’s your favorite Genggeng relatable content?

Angel Asay

Recent Posts

Viy Cortez-Velasquez Spills the Truth About ‘Congpound’ in Latest Vlog

Kamakailan, ibinahagi ng Team Payaman vlogger na si Viy Cortez-Velasquez ang kanyang bagong vlog, na…

5 hours ago

Viy Cortez-Velasquez Takes Sisters On A ‘Tres Marias’ Foodtrip Date

Isang masaya at nakakabusog na mini foodtrip vlog ang hatid ng magkakapatid na Viy Cortez-Velasquez,…

8 hours ago

Start 2026 on a Fresh Note with Perfect Scent by Viyline

The new year is the perfect time to refresh not just your routines, but your…

8 hours ago

Former Team Payaman Editor Carlo Santos Shares a Family Milestone

Ngayong taon lamang ay ibinahagi ng former Team Payaman editor na si Carlo Santos ang…

9 hours ago

Viy Cortez-Velasquez and Cong TV Take On Full-Time Parenting for a Day

Isang masaya at puno ng memoryang vlog ang hatid ni Viy Cortez-Velasquez at Lincoln Velasquez,…

2 days ago

Cong TV Reunites with a Familiar Face from ‘ISTASYON’ to Spice Up an Ad Jingle

Muling binalikan ni Cong TV ang isa sa mga nakasalamuha niya sa kanyang ‘ISTASYON’ vlog…

2 days ago

This website uses cookies.