Patuloy sa pagbabahagi ng food content ang Team Payaman member na si “Dudut Lang,” sa kanyang Instagram reels ng tatlong simpleng putaheng swak sa panlasa at kayang-kaya gawin sa bahay.
Narito ang mga tampok na masarap at madaling sundang putahe na puwede ninyong subukan sa inyong mga tahanan.
Unang ipinakita ni Jaime Marino de Guzman, a.k.a Dudut Lang, ang sarili niyang version ng Pho, isang kilalang Vietnamese noodle soup. Maayos niyang inihanda ang mga sangkap tulad ng karne, puting sibuyas, luya, at fennel seeds.
Matapos hiwain ang mga ito, agad niya itong inihaw bilang bahagi ng proseso sa paggawa ng nasabing soup. Sunod niyang ipinakita ang boiling process ng broth na may mga rekadong pampalasa.
Pagkatapos mabuo ang bowl, makikita rin ang pagbuhos ni Dudut ng mainit na sabaw sa ibabaw ng noodles na siyang bumuo sa final look ng kanyang Pho.
Sumunod naman ang Banana Cake, kung saan ipinakita niya ang simpleng paghahanda gamit ang mga karaniwang sangkap sa kusina tulad ng dinurog na saging, itlog, harina, kaunting asukal, at vanilla syrup.
Mula sa paghahalo ng mga sangkap hanggang sa mismong pagbe-bake, ipinasilip ni Dudut ang bawat hakbang sa paggawa ng kanyang moist at golden banana cake.
Isang klasikong paborito ng marami, ito ay ideal na pang-meryenda o panghimagas, lalo na para sa mga nais subukan ang home baking.
Pangatlo ang Sisig Tofu, isang modernong bersyon ng paboritong Filipino dish. Sa halip na karne, tokwa ang ginamit ni Dudut bilang pangunahing sangkap.
Sa unang bahagi ng video, makikita siyang isa-isang hiniwa ang puting sibuyas, red bell pepper, green bell pepper, at onion leeks.
Kasunod nito, inihanda niya ang creamy sauce gamit ang liver spread bilang base, hinaluan ng japanese mayonnaise, toyo, at kaunting paminta. Nang matapos ang sauce, pinirito niya ang tokwa hanggang sa maging golden brown at malutong.
Sa huling bahagi, pinaghalo niya ang lahat ng sangkap upang mabuo ang isang flavorful na tofu sisig na tiyak na magugustuhan ng mga naghahanap ng kakaibang twist sa klasikong ulam.
Ano ang inyong paboritong Dudut Lang-approved recipes? I-share na ‘yan!
Matapos ang kanilang masayang all-girls trip sa Bangkok, Thailand, isa sa mga hinangaan ng netizens…
It has been a silent tradition in the Philippines to treat the ‘Ber Months’ as…
Bilang pagdiriwang ng ika-33 kaarawan ni Boss Keng, ibinahagi ni Pat Velasquez-Gaspar ang kanyang taos-pusong…
From delicious homemade lasagna and sweet desserts, Yiv Cortez is now expanding her brand, YIVA,…
Muling kinagiliwan ng netizens ang Team Payaman siblings na sina Baby Ulap at Kuya Isla…
Now that it’s finally the ‘ber’ season, it only means the holidays are fast approaching,…
This website uses cookies.