Matapos ang mahigit isang dekadang pagmamahalan, opisyal nang ikinasal ang internet personality na si Joel Ravanera, a.k.a “Malupiton”, sa kanyang longtime girlfriend na si Joy Ancheta.
Ang kanilang kasal ay ginanap nitong Sabado, May 24, 2025, sa isang intimate garden-themed wedding na dinaluhan ng kanilang pamilya at mga malalapit na kaibigan.
Matatandaang Disyembre 2024 nang ibahagi ni Joel Ravanera, a.k.a Malupiton, sa kanyang vlog ang kanyang surprise proposal na ginanap sa Taiwan.
Bago pa man sumikat bilang Malupiton nasa likod na ni Joel ang nobyang si Joy bilang kanyang number one supporter.
Ayon kay Joel, si Joy ang kanyang naging matatag na sandigan sa likod ng kamera, lalo na noong nagsisimula pa lamang siya sa mundo ng social media.
Sa isang Facebook post, ibinahagi ni Joel ang kanilang Same Day Edit (SDE) video na tampok ang emosyonal at masasayang sandali mula sa seremonya.
Hindi rin nawala ang signature humor ni Malupiton sa kanilang pre-ceremony shoot. Sa mga kuha bago ang mismong kasalan, makikita ang masayang paghahanda ng groom kasama ang kanyang entourage.
Bagama’t hindi ibinahagi ang buong detalye ng okasyon, makikita sa mga larawang lumabas online ang emosyonal at makabuluhang pag-iisang dibdib ng dalawa.
Samantala, bumuhos naman ang pagbati mula sa netizens para sa bagong kasal. Marami ang naantig sa kanilang istorya at humanga sa mahabang panahong pinagsamahan ng dalawa bago tuluyang ibigay ang kanilang mga matatamis na “I Do!”.
Ven Segurigan: “Lakas, boss. Mga influencer [ang] nandiyan tsaka mga ibang vlogger. Napaka solid, boss. Best wishes talaga sa inyo. Congratulations [to the] both of you, Bossing. Nawa’y patuloy kayong gabayan ng Poong Maykapal.”
Dioby Anne Pangilinan Rentosa: “Congratulations, Ms. Joy and Bossing.”
Eddy Matabuena: “Congratulations, Bossing! Sana forever na ‘yan sa iyong ‘buhay-buhay’.”
Muling binalikan ni Cong TV ang isa sa mga nakasalamuha niya sa kanyang ‘ISTASYON’ vlog…
Muling kinaaliwan ang father-and-son duo na sina Cong TV at Kidlat matapos nilang ibahagi ang…
Tuloy-tuloy ang pagpapakitang-gilas ng resident chef ng Team Payaman na si Jaime Marino De Guzman,…
Matapos ang pasko, bagong taon naman ang sunod na ipinagdiwang ng pamilya Iligan-Velasquez sa loob…
Sa paglipat ng pamilya Iligan-Velasquez sa kanilang bagong tahanan, ibinahagi ng Team Payaman vlogger na…
Isang pasabog ang dala ni Zeinab Harake-Parks sa kaniyang recent YouTube vlog kung saan hinamon…
This website uses cookies.