Vien Iligan-Velasquez Surprises Junnie Boy with a Thoughtful Concert Date

Isang nakakakilig at feel-good date ang ibinahagi ni Vien Iligan-Velasquez sa kanyang bagong YouTube vlog kung saan sinorpresa niya ang asawa n’yang si Junnie Boy ng isang buong araw na “prince treatment.”

Kilala si Vien sa pagiging maalaga at mapagmahal na ina, pero sa pagkakataong ito, pinatunayan niyang kaya rin niyang bigyan ng all-out effort ang kanyang asawa bilang pasasalamat at pagmamahal.

Vien’s Surprise Date

Sa simula ng kanyang vlog, ibinahagi ng Team Payaman mom na si Vien Iligan-Velasquez ang kanyang inspirasyon sa likod ng sorpresa para sa asawang si Marlon Velasquez Jr., a.k.a Junnie Boy.

Ayon kay Vien, kadalasan ay ang mga babae ang nakararanas ng “princess treatment,” kaya naisip niyang bigyan naman ng “prince treatment” si Daddy Junnie bilang pasasalamat sa pagiging mabuting asawa at ama.

Ipinakita rin niya ang effort na inilaan para maitago ang plano mula sa asawa, kabilang na ang pagtatago ng kanyang sapatos at pantalon para hindi mahalata ang lakad.

Una nang nagtungo ang Team Payaman couple sa isang salon upang makapaghanda si Daddy Junnie para sa kanilang date. Kasunod nito, dumaan naman sila sa isang department store upang makapili ng maisusuot si Junnie. 

Walang ideya si Junnie sa tunay na plano ni Vien, kaya kitang-kita sa video ang pagiging curious niya habang tinatanong kung saan ba sila pupunta.

Sa kabila ng mga hirit ni Junnie na baka ito ay prank o takutan, agad naman itong itinanggi ni Vien para mapanatag ang asawa.

Pinuno ng saya at good vibes ang kanilang date nang makarating sila sa concert ng Boyz II Men, isang grupong matagal nang iniidolo ni Vien. 

Bagama’t hindi sigurado kung fan din si Junnie, ramdam ang saya ng kanilang husband-and-wife concert experience.

Sa bandang huli, ibinahagi ni Junnie na masaya siya dahil nagkaroon sila ng oras na magkasama.

“Saya. Chill lang. Pero happy lang. Feel good. Ayan siya. ‘Yun pala ‘yung [tamang] term. Feel good.” kwento ni Daddy Junnie. 

“Masaya naman ako [na] nakapag-date tayo. ‘Yan ‘yun. Masaya ‘yun. Nakapag-date tayo. Feel good lang ‘yun.” dagdag niya pa.

Netizens’ Comments

Samantala, umani ng maraming papuri at kilig reactions mula sa netizens ang surprise date na inihanda ni Mommy Vien para kay Daddy Junnie.

@airamendoza8612: “Reality about this video: Junnie is treating Vien the way she deserves, that’s why she did this. Women’s love language is reciprocating. Happy wife = happy life!”

@jazsmilekhai: “‘Holding hands nga tayo’ ugh. Too soft for this. ‘Yung itsura ni Junnie doon parang sa isip isip niya, “ang swerte ko sa asawa ko”. When kaya?”

@therese8406: “Ito talaga ang real goal… masayang asawa, anak, at pamilya. Lahat nabibigyan ng equal attention. Loved this vlog, Ms. Vien.”

Watch the full vlog below:

Angelica Sarte

Recent Posts

Cong TV Brings Holiday Joy Through Special Home Giveaways with Team Payaman

Isang maagang pamasko ang hatid ng Team Payaman headmaster na si Cong TV sa isang…

2 days ago

Day 1 Recap: Viyline MSME Caravan Celebrates Its 11th Leg this 2025 at SM Center San Pedro

The Viyline MSME Caravan officially opened its doors at SM Center San Pedro, marking the…

3 days ago

Team Payaman’s Kevin Hermosada Opens Up About His Ear Surgery in Latest Vlog

Kamakailan, matapang na ibinahagi ng Team Payaman vlogger na si Kevin Hermosada ang personal at…

3 days ago

Viyline MSME Caravan Brings Festive Fun to SM Center San Pedro

​ The most wonderful time of the year is starting early! Prepare for a burst…

4 days ago

Team Payaman and Team Harabas Go Night Dive Spear Fishing in Occidental Mindoro

Isang kakaibang biyahe ang hatid ng Team Payaman vlogger na si Boss Keng sa kanyang…

4 days ago

Clouie Dims and Pat Pabingwit Take On the ‘One Shot, One Makeup’ Challenge

Mas naging masaya at mas makulit ang bagong vlog ni Clouie Dims matapos niyang makasama…

5 days ago

This website uses cookies.